S I X T E E N : Downfall

29 13 6
                                    

CHAPTER SIXTEEN:
Downfall

Agad agad kaming tumakbo papunta sa bahay ni Max, may kinuha siyang isang itim na box sa ilalim ng kama niya. Binuksan namin iyon at bumungad samin ang iba't-ibang klase ng weapons. Kinuha niya ang nakasabit na katana niya sa may kwarto na at hinati hanggabg tuhod ang mahaba niyang dress, ganoon din ang ginawa ni Alice.

Kumuha si Ed ng spear, ipinasa niya kay Alice ang itim na box kay Alice at kumuha ito ng pana, si Charle naman ay espada at ang natira sakin ay dalawang maliliit na dagger.

"Walang baril?" tanong ni Charle.

"Baril?" tanong ni Ed, so walang ganon dito sa lugar na ito.

Dali dali kaming lumabas upang maghanap ng mga Chaser na maari pang iligtas. Katulad ng mga napapanoof ko sa movie. Ang kagat ng mga zombies na ito ay nakakainfect.

Pero kakaiba ang mga ito, mas malalakas sila. Hindi sila basta basta nalakad lang kundi natakbo. Nakikipaglaban na kami sa sobrang daming nalapit sa aming mga zombies.

"Hindi sila namamatay!" sigaw ni Max.

"Sa ulo!" sigaw ko. Sa pagkakatanda ko, base sa mga napanood ko ay sa ulo ang weak spot ng mga ito. Ilang minuto kaming nakipaglaban. Hindi lamang zombies ang aming nakaharap kundi ang iba't ibang halimaw na mula sa labas.

Pagod na pagod na kami at nakikipaglaban din ang ibang chaser, pero masyado silang madami. Tumagal ng ilang minuto, ilang oras ang laban. Parang hindi ko na kayang itaas pa ang braso ko.

Pagod na pagod na ako.

"Zch!" sigaw ni Alice at lumapit sa akin. Napaupo na ako sa sobrang pagod. I am not fit for this.

"Kaya mo bang tumayo?" tanong niya. Tumango lamang ako at inakay niya ako papunta sa isang safe na lugar kung saan nandoon ang ilan sa mga bata at babaeng chaser. Walang tigil ang iyakan nila habang pinapanood ang labanan, habang pinapanood ang mga kasamahan nilang unti-unting nauubos.

Magpapahinga muna ako saglit tsaka ako babalik, hindi na ayos ang paghinga ko. Kita ko kina Alice, Charle, Ed at Max na pagod na pagod na din sila.

"Sa likod mo Max!" nagulat ako sa pagsigaw ni Charle. Buti na lamang at napatay agad niya ang sumugod sa likod ni Max. Ilang sandali pa, bilang na lang sa daliri ang mga chaser. Ang mga halimaw at zombies ay hindi nauubos, patuloy lang ang pagdating nila.

Mamatay kaming lahat kapag nagpatuloy kaming lumaban.

"Max, hindi na natin kaya. Kailangan na nating umalis." sabi ni Charle at sumangayon naman si Max.

"Retreat, bumalik na tayo!" sigaw ni Max, sinigurado niyang maririnig ito ng lahat ng buhay pa.

Agad-Agad silang tumakbo papunta sa amin. Hindi ko alam king bakit sila napatigil. Bakas ang takot sa kanilang mga mukha. Napatingin ako sa likod namin at sa may taas ng bubong ay may lima o higit pang sobrang lalaking ibon na may pulang mga mata. Pinipilit nilang sirain ang bubong na nakatakip sa amin.

Lalong lumakas ang iyakan ng mga tao, hindi ko din alam ang gagawin.

"Garuda." narinig kong sambit ng isa sa mga babae na malapit sa akin. Nagpumilit makalabas ang ilan upang makatakas pero hindi sila naligtas sa mga zombies sa labas.

Mad HatterWhere stories live. Discover now