CHAPTER 38 -- Mama's Advice

Start from the beginning
                                    



          Minabuti kong pumunta na lang sa office namin.



          “Sheri, hinihintay ka ni Ms. Meryl sa room nya,” sabi ni Apple pagdating ko.



          “Thanks.”



          Binuksan ko yung room ni Ms. Meryl tapos napatingin sya nang pumasok ako.



          “Have a seat,” alok nya sa ‘kin.



          “Thank you po.”



          Itinigil nya yung ginagawa nya.



          “Alam kong may problema ka at alam kong hindi mo naman yun sasabihin sa ‘kin. Pero may gusto akong itanong sayo.”



          “Ano po yun?” Tanong ko.



          “Gaano kalaki yang problema mo at nagkakaganyan ka?”



          Hindi ako sumagot. Hindi ko naman kasi masukat yung problema ko.



          “I received a call this morning and I learned about your defense. Anong nangyari?” Tanong nya.



          “Well, I was not myself then,” sagot ko.



          “I hate to tell you this, pero I’m putting you under probation.”



          “Po?” Nagulat ako sa sinabi nya.



          “Sheri, alam mo naman na top priority ng school ang academics, sunod pa ang mga extracurricular activities. Hindi nagiging maganda yung mga grades mo and you know the rules here.”



          Kapag naging consistent ang low grades na nakukuha ng isang student, it’s either he’ll be under probation or he’ll be forced to leave the org.



          “Nung una naisip kong bigyan kita ng leave. It’s not termination from the org pero parang bakasyon. Pero I know it wouldn’t be of help. Alam ko kung gaano ka kadedicated sa craft mo kaya naman ginawa ko na lang na probationary ka.”



          “Ms. I’ll do my best para mawala yung pagiging probationary ko.”



          “Dapat lang. Isa ka sa inaasahan ng grupong ito. You have to be strong para ma-lift mo yung org.”



          “Yes, I will.”



          “O sige na, gawin mo na yung dapat mong gawin.”



          “Thanks for your time, Ms. Meryl.”



When Love Ain't Just EnoughWhere stories live. Discover now