Forty-Five

6.7K 85 2
                                    

It's been a week since nakarating kame ni Kenzie sa New York, at nakausap ko na si Reid kaso via Skype nga lang. Umiyak ako sa harap nya habang naguusap kame. Actually pagdating na pagdating pa lang namin ni Kenzie sa tutulugan namin minessage ko kaagad sya. Umiyak ako hanggang sa namugto ang mata ko. Halos araw-araw naguusap kame ni Reid. Pag-gising ko, habang nag lalunch break, at bago matulog.

Pero parang today lang kame hindi nagusap, Friday ng gabi ngayon at bukas ay off namin ni Kenzie.

"Ano kaya ginagawa ng lalaking yun?" Sabi ko habang nakasimangot.

"Baka naman busy," sabi ni Kenzie.

"Kahit naman busy yun, magcha-chat pa rin yun. Wala bang sinasabi si Ash?"

"Huh? Ah...wala naman. Saka alam mo naman si Ash may sariling mundo yun." Ibinaling ko uli ang paningin ko sa screen. Well I guess busy sya ngayon.

--------------------------------------------------------------

"Mars gising!" Sigaw ni Kenzie.

"Hmmm," iminulat ko ang mata ko.

"Punta tayo sa times square, shopping tayo!" Humikab ako.

"Bakit may pera ka ba?" Inirapan nya ako.

"Window shopping. Dali na magbihis ka na!" Excited nyang sinabi.

Ano kaya nakain ng babaeng ito at excited na excited syang lumabas? Naligo ako at nag ayos ng konti.

Ng makarating kame sa times square, hinila ako ni Kenzie sa iba't ibang store. Ako naman nagpahila lang. May biglang tumawag kay Kenzie at hinila nya ako palabas. Kung hindi ko lang bestfriend tong babaeng to baka nasapak ko na to kakahila sa kamay ko.

"Mars san ba tayo pupunta?"

"Huh? Ah basta." Sagot nya. Tumigil kame sa middle ng times square. "Dyan ka lang mars, wag kang aalis dyan."

"Huh? Bakit?" Umalis sya na excited. "Mars! Kenzie!" Sigaw ko pero hindi na nya ako nilingon.

Habang nagaabang kay Kenzie ay nag picture ako ng mga building. Sana andito din si Reid. Sabi ng isip ko.

Ng pipicturan ko na yung building sa may harap ko bigla akong natigilan. Nanaginip ba ako? Sinilip ko uli sya sa camera. Nakatayo lang si Reid habang may hawak na isang dosenang roses. Tinanggal ko ang camera sa mata ko, at ipinikit ko ang mga ito. Imagination mo lang yung, pagdilat mo ng mata wala na sya. In 3...2...1...

Sa pag mulat ng mata ko ay sabay ding bumuhas ang luha ko. Unti-unti akong naglakad sa kanya, hanggang sa tumatakbo na ako. Ng malapit na ako ibinukas nya ang kamay nya na parang winewelcome ako. Dahil sa sobrang bilis ng takbo ko, ng mayakap ko sya ay muntik na kaming matumba.

Natawa sya habang humihigpit ang yakap nya sa akin. Oh how I miss his laugh. Inamoy ko sya, oh how I miss his smell.

Kinuha nya ang parehas kong pisngi at hinalikan ang labi ko. How I miss his lips.

After ng kiss namin ay parehas kaming hingal na hingal, nakangiti sya habang nakatitig sa akin. Bigla syang humiwalay, tapos ay may kinuha sya sa bulsa nya. Isang maliit na box, napakunot ako ng noo.

Nagulat ako bigla syang lumuhod sa harapan ko, lahat ng tao nagtinginan sa kanya. Yung iba nagpicture pa. OMO!!!! Ene te??? Halos hindi ako makahinga sa nangyayari. Binuksan ni Reid ang box at sa loob nito ay ang isang napakagandang singsing. Napahawak ako sa dibdib ko habang umiiyak.

"Blaire Cecily Blue, will you accept me as I am? Will you take me as your husband?" Hindi ako makapagsalita kaya tumango na lang ako. Isinuot nya ang sing sing sa kaliwang daliri ko.

Ang bilis ng mga pangyayari. Nagcheer lahat ng nanonood sa amin. I kiss his lips over and over hanggang sa dumating si Kenzie at ikinungratulate kame.

---------------------------------------------------------------------

Sa isang relationship madami ang hindi nagtatagal, madami din umaabot hanggan till death do them part. Sa amin ni Reid sana magtuloy tuloy ang masaya naming samahan. Sa lahat ng desisyon na nagawa ko ang desisyon na kunin si Reid bilang isang pretend boyfriend ko is very unexpected at stupid.

Pero dahil din sa unexpected at stupid desisyon ko, nakahanap ako ng forever. Nahanap ko yung long lost prince charming ko. For now we are engage and soon I'll be Mrs. Blaire Cecily Blue Finn. Ang haba ng name at parang ang pangit ng tunog, pero kahit ganyan yan tatanggapin ko yan at iwewelcome ko pa na parang anak ko. Bumugtong hininga ako, we're just gettin started. For sure marami ang mangyayari sa amin pag ikinasal na kame.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now