Twenty-Four

5.4K 72 3
                                    

Halos wala akong imik sa buong byahe namin sa bahay ko. Ng makarating kame, hindi kaagad ako bumaba.

"Reid..." sabi ko.

"Hmm?" Sabi nya habang nakapikit ang mata nya. Siguro pagod na sya, saka ko na lang kaya sabihin.

"Um...uh..." natawa ako. "Wala, mag-ingat ka pag uwi."

Baba na sana ako. "Itigil na natin to." Napatigil ako sa pagbaba. Ang lakas ng tibok ng puso ko, para bang sasabog sa kaba. And at the same time para bang mahahati sa gitna. "Yung ngiti mo kanina, kala mo ba di ko alam."

"A-ang alin?" Tanong ko.

"Itong pagpapanggap," tumingin sya sa akin. Nararamdaman ko na ang luha ko. Peste kang luha ka wag na wag kang tutulo. Pinigilan kong umiyak. Siguro napapagod na sya sa akin.

"O-oh," sabi ko na lang. "Ku-kung yan ang gusto mo." Tumalikod ako at baba na sana.

"Pwedeng patapusin mo muna ako." Hinawakan nya kamay ko. Tapos iniharap nya ako sa kanya. Pinunasan nya yung luha sa mata ko. "Itigil na natin to kase gusto ko nang totohanin. Gusto ko akin ka lang, ayokong isipin na pag natigil na tong pagpapanggap natin ay iiwan mo na ako. I'm falling for you Blaire Cecily Blue. You have no idea what you've done to me. Hindi ka maalis sa isip ko, alam mo ba na lagi kong inaabangan ang pagkikita natin. Now answer me, will you accept me?" Tumango lang ako at niyapos sya habang natulo ang luha sa mata ko.

"Pero kelan pa?" Tanong ko. Hawak-hawak nya yung kamay ko.

"Mula nung sinampal mo ako, wala pa kayang matapang na kaluluha ang nakakagawa sa akin nun. Pagkatapos nun hindi na kita matanggal sa isipan ko. Tapos nung niligtas mo ako dun sa mga kaaway ko nung nagkasakit ka. Tapos nagkaroon pa tayo ng accidental kiss. Tapos nung hinalikan mo ako sa harapan ng ex mo. Ewan ba, basta mula ng makilala kita lagi ikaw ang nasa isip ko. At sa lahat lahat din ng may kilala sa akin, halos lahat sila alam ang ugali ko. May anger issue ako Blaire, pag nagalit na ako kung sino man mapagbuntungan ng galit ko, panigurado sa hospital ang bagsak nila. At kahit sino wala pang nakakapagkalma sa akin, ikaw lang." Tumaas ang isang kilay nya. "Ikaw lang Blaire ang nagpapakalma sa akin. Parang ikaw yung liwanag sa madilim kong buhay. You see, my mom died when I was young, tapos yung dad ko nag-asawa na uli sa state. Pinapadalhan na lang nya ako ng allowance o kaya pag need ko ng money. Lumaki ako na yaya ko lang ang kasama ko, ng mag-18 ako kinaya kong tumayo sa sarili kong mga paa."

"Sino nagaalaga sayo ngayon? Yaya mo pa din ba?" Ngumiti sya ng malungkot.

"I'm 21 Blaire sa tingin mo need ko pa ng tagabantay," Sabi nya.

"Pero bakit hindi ka sumama sa papa mo?" Tanong ko.

"Eh di pag sumama ako hindi kita makikilala," naginit ang pisngi ko. Tumawa sya. "Ayoko kaseng iwan ang mom ko. Dito sya nakalibing sa pinas."

Tumango ako. "So ibig sabihin wala kang kasama sa bahay nyo?"

"May condo ako, I live by myself. Welcome kang bumisita." Kinindatan nya ako. Lumapit ako kay Reid. "Blaire?" Hinawakan ko yung pisngi nya.

He's mine, and this time for real. Falling in love with him is the best thing I ever did. I love you Reid Vincent Finn.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Donde viven las historias. Descúbrelo ahora