Forty

4.9K 62 0
                                    

Ang sarap talaga ng pakiramdam na gumising sa piling ng taong mahal mo. I snuggle closely to him. "Hmmm."

Iminulat ko ang mata ko at tinitigan ko si Reid na natutulog pa din. Pinaglaruan ko yung pilik mata nya tapos yung buhok nya. "Love." Hindi man lang kumilos. "Love." Hinalikan ko yung labi nya. "Love." Tapos hinalikan ko yung ilong nya. Humigpit yung yapos nya sa akin. "Love." Hinalikan ko uli yung labi nya.

"Hmmm," minulat nya isang mata nya. "Morning," emegesh!!! Yung puso ko.

"Wala kang pasok?" Hinalikan nya muna noo ko.

"Wala, kaya solong-solo mo ako." Puso ko tumalon sa rainbow. "Ano gusto mong gawin ngayon?"

Nagisip ako. "Hmm, wala naman."

Natawa sya. "Ikukulong mo lang ako dito sa condo?" Tumango na lang ako habang sya naman tawa ng tawa.

Nagising kame ng 8:30 bumangon kame magtatanghalian na, ang dami kase naming pinagkwentuhan eh.

Nagluluto ako ng adobo habang naghuhugas sya ng pinggan. Mag-asawa lang ang peg. Ng maluto yung adobo nagtungo ako sa sala para manuod ng tv, napansin ko din na puro talsik ng toyo ang damit ko.

"Love maglalaba ka ngayon?" Tanong ko.

"Oo bakit?" Tanong nya, pinatay nya yung tubig at nagpunta sa sala.

"Natalsikan ako ng toyo damit ko, hiram muna ako ng t-shirt mo tapos pakilaba nitong t-shirt ko," sabi ko.

"Ok, lagay mo na lang sa marumihan ko yang damit mo," sabi nya.

Nagpunta ako sa kwarto nya at namili ng pwedeng isuot. Pinili ko yung black button up polo na sinuot nya nung dumalaw kame sa puntod ni papa. Ng lumabas ako naabutan ko syang naglo-load ng labada sa washing machine. Ibinigay ko naman sa kanya yung t-shirt ko.

Inabot ko kay Reid yung damit ko at napatitig sya sa pinili kong suot. "What?" Tanong ko.

"Pag ikaw makita kong lumabas ng ganyan, baka mabugbog ko lahat ng titingin sayo," nginitian ko sya at tumakbo papuntang sala. Narinig ko yung tawa nya.

Nanonood ako ng Eat Bulaga ng may biglang kumatok sa pinto. Kumonot ang noo ko, may bisita ba si Reid ngayon? "Love may bisita ka ba dapat?"

"Huh? Wala naman." Binuksan ko yung pinto at bigla akong nakaramdam ng matinding inis. Ano ginagawa ng Hope na yan dito? Saka pano nya nalaman kung saan nakatira si Reid? "Hope."

Tiningnan ako ni Hope mula ulo hanggang paa. Tapos parang na-shock din sya sa suot ko, ngumisi ako. "Love sino yan?" Biglang dating ni Reid sa likod ko. Grabe makatitig si Hope sa katawan ni Reid, yung mata nya nag up and down oh. Tapos tiningnan ako ni Hope tapos lipat kay Reid na shirtless. Hmmm alam ko iniisip mo Hope, isipin mo kung anong gusto mong isipin. Bwahahahahhaha!!!!!

"Busy ata kayo." Gusto kong sabihin oo at nakakaistorbo ka.

"Hin--" hindi ko na natapos sasabihin ko dahil biglang nagsalita si Reid.

"Oo, monthsary namin kahapon at gusto ko sanang masolo ang girlfriend ko ngayon." Ngumisi ako.

Awkward!!! "Ahh ganun ba, sorry maybe we can talk some other time." Tumango lang si Reid at sabay sarado ng pinto sa muka ni Hope. Tiningnan ko si Reid tapos pinisil nya pisngi ko. Tapos bumalik sya sa paglalaba. Hindi pa rin talaga nagbabago si Reid, siguro yung pakikitungo nya sa akin nagbago, pero yung pakikitungo nya sa iba, it's the same cold Reid.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon