Thirty-Two

5.1K 71 0
                                    

"Galit ka?" Tanong ko kay Reid ng kami na lang dalawa. Pinapasok sya ni mama tapos iniwan na lang kameng dalawa sa sala. Si kuya naman nasa work pa.

Pinaglalaruan nya yung kamay ko. "No."

"Oh eh bat tahimik ka?" Huminga sya ng malalim.

"I think I need to keep my eyes on you," sabi nya.

"Huh? Bakit naman?" Tanong ko.

"May isang lalaki kase kanina, tingin ng tingin sa'yo," natawa ako.

"Kaya pala ayaw mong bitawan bewang ko, selos ka pogi?" Biro ko.

Nanliit ang mata nya habang nakatingin sa akin. "Bakit may kailangan ba akong ipagselos?"

Natawa ako. "Uh..." nanlisik ang mata nya. "Biro lang."

Tahimik Lang kaming nakaupo sa sala habang yakap yakap nya ako. Nakapikit ang mata nya na para bang natutulog. Hinimas-himas nya ang kaliwang braso ko habang nakarest ang ulo ko sa dibdib nya. Hindi ko namalayan na nakatulog na pala ako, nagising na lang ako ng may kumot na nakapatong sa akin at sya wala na, siguro umuwi na. Si mama naman busy sa pagluluto ng almusal. "Morning anak."

"Morning po," bati ko.

"Kakaalis lang ni Reid, parehas kayong nakatulog sa sala pero nagising sya kaagad. Sabi nya tawagan mo na lang daw sya pag magising ka na." Tumango na lang ako. Hindi ko muna sya tinawagan at kumain muna ako ng almusal, tapos ay naligo.

Nagring ng tatlong beses bago nya sagutin. "Ngayon ka lang nagising?"

"Hindi kanina pa." Nakadapa ako sa kama habang nagscroll sa facebook.

"Kanina pa pala, bat ngayon ka lang tumawag?"

"Eh kase po nagalmusal at naligo pa ako," sabi ko.

"Nagreready na ako, see you later," sabi nya.

"Ok," sabi ko. Inantay kong ibaba nya yung phone nya. "Ba't di mo pa ibinababa?"

"Kase may nakakalimutan ka." Napaisip ako.

Natawa ako. "I love you love." Kahit hindi ko nakikita expression nya alam kong ngumiti sya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now