Forty-Four

5.2K 58 0
                                    

"Anak magiingat kayo ni Kenzie sa New York, saka wag kayo masyado magpapakapagod." Tumango lang ako. In a about two hours Kenzie and I will board the plane. Hindi pa alam ni mama at kuya ang tungkol sa amin ni Reid, ayoko ng mag alala pa sila sa akin. Niyapos ko ang nanay ko ng mahigpit, mahigit six months din kaming hindi magkikita.

"Size 12 ako bunso," sinuntok ko yung braso nya tapos niyakap nya ako. "Mag-iingat kayo dun."

Paalis na kame ni Kenzie at panay pa din ang tawag at text ni Reid. Hindi ko sya kayang sagutin at harapin. Umuulit ba ulit ang nangyari sa amin ni Dave? HIndi ko sya pinagexplaine at basta ko sya hiniwalayan. Pero what I feel with Dave and what I feel with Reid are totally different. Mas strong ang feelings ko for Reid na hindi ko sya kayang iwan. Pero siguro din kailangan lang namin ng time.

Huminga ako ng malalim. "Mars, sigurado ka ba na ayaw mo ipasabi kay Reid na aalis ka na?"

Ngumiti lang ako at sumakay na sa taxi.

Nakapila na kame ni Kenzie papasok sa eroplano, ako naman parang giraffe kakatingin kung pumunta nga si Reid. Eh pano nga pala sya pupunta kung hindi ko pinasabi na aalis na ako?

"Mars..." Tumingin ako sa likod ko at parang busy sya sa kakatext. "Sino ba katext mo?"

"Huh?" Tinago nya cellphone nya. "Mars pwede bang magwait muna tayo ng saglit bago tayo pumasok sa loob?"

"Uh...ok. Sino ba inaantay mo?"

Napatawa sya. "Uh...ano...wala naman. Pero saglit lang."

"Ok," nagantay kame hanggang sa tawigin na ang flight namin. Sya din parang giraffe kakatingin sa may entrance. Sino kaya inaantay nito?

Pumasok na ako sa eroplano at iniwan ko si Kenzie. "Mars naman hindi mo ako inantay. Bakit naman hindi ka nagantay saglit?"

"Eh tinawag na yung flight natin." Sabi ko.

Ng nakaupo na kame sa seat namin, tumingin sa akin si Kenzie. "Sana nagantay ka kahit saglit lang."

"Bakit ba?" Tanong ko dahil naku-curious na talaga ako sa sinasabi nya.

"Kase sinabi ko kay Reid na paalis ka na, at on the way na sila ni Ash. Sakto namang pasok mo saka lang sya dumating." Sabi ni Kenzie at biglang umandar na ang eroplano. "Mars mali ang iniisip natin nung nakita natin si Reid na kasama si Hope. Nung maga lang pumunta si Hope sa condo ni Reid para magdala ng pagkain. Buong gabi ang magkasama ay si Reid at si Ash. Walang nangyari sa kanila ni Hope." Huminga ba ako habang nagkukwento si Kenzie? Feeling ko hindi. "And mars, hihinga na dapat ng sorry sayo si Reid, dahil sa inasal nya. Pinaintindi sa kanya ni Ash na kung sya ang nasa katayuan mo, ano mafefeel nya? Mars mahal ka ni Reid."

"Baba ako." Tinanggal ko ang seatbelt ko at tumayo ako, pero pinigilan ako ng stewerdess.

"Miss ano pong ginagawa nyo? Please go back to your seat."

"No you don't understand, I need to get off of this plane." Sabi ko.

"I'm sorry pero hindi na po talaga pwede. In about 2 minutes the plane will take off. Please go back to your seat."

Wala akong nagawa kung hindi bumalik sa upuan ko. Walang akong ibang inisip kundi ang kagustuhan kong makausap si Reid. Hindi nya ako niloko, mahal nya pa rin ako, at mas lalong ayaw nyang makipaghiwalay sa akin. Mahal nya ako at mahal ko sya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon