Ten

6.7K 82 0
                                    

"Nako mars kung nandon lang ako kanina baka sinabunutan ko sya. Dun nga kila Aling Marie fifty pesos lang ang pagma-manicure," galit na sabi ni Kenzie. Tapos panay lakad pa sa harapan ko.

"Kumalma ka nga mars. Saka pwede ba umupo ka nahihilo na ako sa'yo eh," sabi ko.

"Pero mars ako ay may tanong sayo, natanong mo na ba si Reid kung sya nga talaga ang nagdala sayo sa clinic?" Umiling ako at sumandal sa upuan. "Tanungin mo na kase."

"Ayoko nga, alam mo namang ang sama ng ugali nun, saka ayaw ako kausap nun. May hindi pa pala ako nasasabi sayo," tumingin sya sa akin na may excitement sa mga mata nya. "Parang nakita ko rin syang nakipag-away. I mean I'm not sure...again. Kase nga may sakit ako, tapos nahihilo pa ako masyado that time. Pero parang sya yung nakikipag-away tapos mag-isa lang sya laban sa lima o sampo atang mga lalaki."

"Oh kaya pala nung nakita ko sya nung isang araw may pasa yung muka nya," tumango-tango pa si Kenzie. "Edi ibig sabihin, sya nga talaga ang nagdala sayo sa clinic."

"Hind nga tayo sigurado," sabi ko.

"Correction mars, IKAW ang hindi sigurado. Sa lahat ba naman ng ikinuwento mo sa akin parang si Reid talaga ang nagdala sayo sa clinic. Alangan naman lumutang ka patungo sa clinic," napaisip nanaman ako.

"UGH!!!" Sigaw ko. Gulong-gulo na talaga ako. San nga ba ako naguguluhan?

--------------------------------------------------------------

Peste talaga tong si Kenzie, sasamahan daw ako magtapon ng basura pagkatapos biglang nawala. "Yari ka sa aking babae ka!" Sigaw ko.

"Hmmm?" May biglang umungot. Napatalon ako sa gulat.

"S-sinong nandyan?" Tawag ko. Walang nagsalita kaya hinanap ko na lang kung saan nanggaling yung tunog. "Hello?" Wala pa rin talagang nasagot. Nakita ko ang sapatos nya. "Uh...hello?" Kinakabahan na ako baka mamaya patay na tao to. Ipinikit ko ang mata ko at sumilip habang may hawak na sanga. Binuksan ko ang mga mata ko para tingnan kung sino may ari ng sapatos. "Reid?" Ang tangi kong nasabi.

Natutulog sya ng mahimbing sa ilalim ng puno. Yung isang kamay nya nakalagay sa may mata nya, tapos nakataas ang isang nyang tuhod. Napaka-peacefull nyang tingnan. Lumapit ako ng konti at pinagmasdan ko ang kanyang muka. Napakahaba din pala ng pilik mata nya. Tapos matangos din yung ilong nya. Yung buhok nya parang hindi man lang sinuklay, siguro tamad din tong magsuklay, parang ako.

Ang bango bango nya din. At habang pinagmamasdan ko sya biglang napatigil ang mata ko sa mga labi nya. Medyo may pasa pa yung gilid ng labi nya. Pero in fairness ang pula ng labi nya, para ngang naakit akong balikan. OMO kang babae ka!!! Kung ano-ano iniisip mo. At habang pinagmamasdan ko ang labi nya, kung ano ano ang dumaan sa isip ko. Tulad ng ano kaya feeling kung halikan ko labi nya? Meron ding dumaan na 'ano kaya lasa ng labi nya?' OMO! Baliw na ata ako.

Do I find him attractive? Duh! Kung hindi lang masama ugali nito ok na sana.

Namula ang pisngi ko at bigla kong inalis ang mata ko sa labi nya. "Aaahhhh!" Napasigaw ako dahil nakumulat ang isa nyang mata at nanlaki eto. Napatayo ako bigla. "Ah...a-ano...ah..." Nautal ako at pinagpawisan.

Inalis nya yung kamay nya sa muka nya at tinitigan nya ako ng masama. Tumayo sya at nagsimula ng maglakad, pero bigla syang tumigil. "It's rude to stare you know?" Sabay alis nya. Oh gee baka kung ano isipin nya, hinabol ko sya para mag-explain.

"Wait," hingal na sabi ko. This time hindi sya tumingin sa akin at mukang inis na inis sya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now