Seventeen

5.8K 77 0
                                    

Basa mode! Basa mode! Kanta ko sa isip ko. Nasa cafeteria ako ng school habang nakain ng choco cake na benta nila.

Biglang dumating si Reid at kinuha ang kamay ko, tiningnan ko sya ng patanong. Ngumisi lang sya at nanlaki ang mata ko sa ginawa nya. Isinubo nya yung isang daliri ko and I swear yung puso ko gusto magwala. Hinila ko kaagad ang kamay ko at tumingin sa kaliwa at kanan kung may nakakita sa ginawa nya. Tapos tiningnan ko sya ng masama.

"Bakit mo ginawa yun!?" Galit na sabi ko.

"Eh bakit ang pula ng muka mo?" Tiningnan ko sya ng masama. He shrug. "May icing kase eh, sayang naman." Sabay dila sa labi nya. Napanganga na lang ako. "Clear your schedule this Saturday."

Tumaas isang kilay ko. "Why? Busy ako."

Natawa sya. "Just do it."

"Not until you tell me why you want me to clear my schedule," sabi ko ng patapang.

Naglean sya toward sa akin. "May date tayo."

"Ha! Papatawa ka ba? Yoko nga." Nanlisik ang mata nya.

"Muka ba akong nagloloko? Saka hindi ba ikaw ang may gustong magpanggap tayo na magsyota. Baka may makahalata na hindi tayo nagdedate, sige ka ikaw din ang mapapahiya." Sus kung ibang lalake ka lang iisipin ko humohokage ka para lang makapagdate tayo eh. Sabi ng isip ko.

"Oo nga pero hindi mo naman ako kailangan dalhin sa date, saka muka namang napipilitan ka lang," sabi ko.

Pinitik nya ang noo ko. "Just do what I say." Tumayo na sya. "At sinong may sabing napipilitan lang ako."

Promise kinilig ako sa last na sinabi nya. So ibig sabihin gusto nya rin ang nangyayari sa amin ngayon? Nakangiti ako na parang baliw habang nakain ng cake.

I have a date with Reid Vincent Finn.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Onde histórias criam vida. Descubra agora