Thirty-Seven

5.1K 59 0
                                    

Ng magising ako ang una ko kaagad napansin ay yung amoy nya, ang bango. "Hmmm." Sabi ko.

May narinig ako mahinang tawa. "Morning love," nanlaki ang mata ko at napatayo ako ng mabilis, pero hinila din ako pabalik sa kama. Niyapos nya ako, yung pisngi ko nasa may dibdib nya.

Medyo mainit pa sya, pero hindi tulad ng kagabi. Tiningnan ko sya at nakatitig lang sya sa akin. "Hinubadan mo ba ako kagabi?" Naginit ang muka ko. "Ano binabalak mo?" Ngumisi sya ng pagkasexy, I think nalaglag ata panty....I mean puso ko pala.

"A-ano iniisip mo? Pa-pawis ka kase kagabi, papalitan ko sana yung t-shirt mo," tumaas isang kilay nya. Napakunot noo ko tapos hinataw ko sya sa dibdib. Tumawa sya.

"Inom ka na ng gamot." Sabi ko

Hindi nya ako sinagot, ipinikit nya mga mata nya tapos hinalikan nya labi ko. "Ok na ako, nabigyan na ako ng kisspirin." Natawa ako sa kakornihan nya.

"Ewan ko sayo, mag suot ka na nga lang ng t-shirt baka mamaya magkasakit ka pa uli," napakunot noo nya na kunwari nalilito sya.

"Akala ko ba fave mong tingnan ang abs ko?" ano daw!!???? Itinulak ko sya at nakaalis ako sa pagkakayakap nya. Madali akong lumabas na parang sinisilaban ng apoy ang paa ko. Narinig ko yung malakas nyang tawa.

Nakasandal pa rin ako sa pinto ng bigla itong magbukas. Natumba naman ako pero nasalo kaagad ako ng abs...I mean ng katawan ni Reid. "Gusto mo talaga magsuot ako ng t-shirt?" Tumaas ang isang kilay nya. Pumunta ako sa may drawer nya at kumuha ng isang puting t-shirt, tapos ay hinagis ko sa muka nya.

"Magbihis ka at kumain ka na! Tapos uminom ka ng gamot!" Sigaw ko.

Galit-galitan ka lang eh, ang totoo nyan kinikilig ka.

Tumawa si Reid at bumalik sa kwarto nya. Inumpisahan kong ipainit yung lugaw ng may naramdaman akong yumapos sa akin.

"Ang bango," suminghot singhot pa sya.

"Luto ko to, kaya kailangan mong ubusin," hinalikan nya pisngi ko.

"Oo ba, pero mas masarap siguro yan kung susubuan mo ako." Ngumiti sya.

"Ano ka baby?" Tumango sya na pang inosente. Natawa naman ako. "Yoko nga." Nag-sad face sya. "Love tatanggapin mo ba yung offer dun sa modeling?"

"Hmmm?" Sabi nya, humiwalay sya sa akin para uminom ng tubig. "Ewan ko, gusto mo bang gawin ko yun?"

"Luh bat ako tinatanong mo, buhay mo yan no. Girlfriend mo ako pero hindi ibig sabihin hawak ko kung ano gusto mong gawin. Except na lang pag nambabae ka, kita mo tong sandok na hawak ko. Ihahampas ko to sa muka mo at sa babae mo." Tumawa sya.

"Eh love ikaw nga buhay ko. Saka bakit ako mambababae, I only need one girl in my life and she's now standing in front of me. Sya lang nagiisa dito." Itinuro nya puso nya habang nakatingin sa akin. Hindi ko napigilan ang ngumiti.

"Eh kase sayang naman din yung oppurtunity, try mo kung magugustuhan mo kung hindi naman ok lang din." Sabi ko habang nagsasalin ng lugaw sa bowl.

"Ok, puntahan natin mamaya yung agency," sabi nya.

"No," tumingin sya sa akin. "May sakit ka kaya, gusto mo igapos kita sa kama mo. Wag na wag mong balaking umalis ng bahay. Pagaling ka muna, bukas na tayo pumunta." Tumaas kilay nya, tapos nakapangalumbaba sya habang tinititigan nya ako. "Wh-what?"

"Igagapos mo ako sa kama?" Omo!!! Ano iniisip nya!? "Like ko ata yun." Dinilaan nya labi nya habang nakatitig sa akin.

"E-ewan ko sayo!!!" Umalis ako at nagpunta sa banyo. Hinawakan ko ang pisngi kong pula pula at mas mainit pa sa lugaw. Pero hindi ko rin naman napigilang ngumiti.

"Love? Saluhan mo ako kumain," kumatok sya habang natatawa pa din. Huminga ako ng malalim at binuksan ang pinto. Looking at him makes me think of what he said kanina. OMO!!! Di ko kaya kasama sya sa iisang bubong, baka maloka ako.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now