Thirty-Three

5.2K 69 1
                                    

Nauna kame ni Jessie at Kenzie sa may basketbolan, iilang players pa lang ang nandon na nagaantay na dumating yung iba. Bago pa ako magtungo nagtext sa akin si Reid, ang sabi ay baka malate daw sila ni Ash dahil naabutan sila ng traffic.

"Jessie baka malate sila Reid, naabutan na daw kase ng traffic eh. Late kasing nagising si Ash eh," lumapit sa akin si Jessie.

"Baks ok lang, marami ring player na wala pa dito." Sabi nya.

May biglang bumangga sa akin. "Ay sorry."

"Ok--" Natigilan ako. Ano ginagawa ni Dave dito? Hindi naman sya taga dito. At bakit sya may suot na pang basketball? Player din ba sya? "Ano ginagawa mo dito?"

"Player din ako ng basketball team dito," biglang tumawa si Kenzie.

"Oo matagal ka ng player Dave," sabay tawa ng malakas ni Kenzie. "Asan yung ahas mong girlfriend?"

Tumingin sa akin si Dave pero umiwas ako ng tingin. "Ok naman sya, may anak na kame."

"Ha! Natural nag kaanak kayo. Ikama mo ba naman yung ex mo." Nakatingin pa rin sa akin si Dave habang ako naman ay busy sa cellphone ko. "Halika na nga mars. Hoy Jessie!"

"I'm glad you're happy," nginitian ko sya. Move on na ako, napatawad ko na sya. Masaya na sya, masaya na ako, masaya na kaming lahat. Kung hindi nangyari yung nangyari sa kanilang dalawa ng ex nya, edi hindi ko makikilala si Reid. Napakaswerte ko at nabunggo ko sya ng dalawang beses, destiny nga ba ang tawag dun? Ewan basta ang alam ko happy na ako sa life ko na kasama si Reid sa buhay ko. Sana magtuloy-tuloy na tong saya namin and hopefully magkaron kame ng happily ever after. Ang cheesy diba, pero ok lang yan kase kahit corny o baduy pa yun, para sa mahal mo sasabihin mo yun.

Kaya nga sabi nila the right person will come at the right rime. Siguro hindi right time para sa amin ni Dave, at hindi rin sya ang right person para sa akin. God works in mysterious ways ika nga nila. Hindi mo alam na yung makakabunggo mong tao will be right person for you.

May biglang yumapos sa likod ko. "Hello love." Yung amoy na yun, akin lang ang may ari ng amoy na yun. Hinarap ko sya kaagad sabay halik sa matamis at malambot nyang labi. Parang nagulat sya sa ginagawa ko nawala naman agad yun dahil naramdaman ko yung kamay nya sa bewang ko.

Humiwalay ako at parehas kaming namula. Nginitian ko sya. "Hello my love."

"Ano nakain mo kaninang maga?" Bulong nya ng mahina. Napakunot naman ako nang noo ko.

"Bakit?"

"Kainin mo nga araw-araw para lagi akong may kiss." Tumawa ako.

"Love, hindi ko kailangan kainin yun araw-araw baka naman mapurga ako," hinalikan ko ng mabilis ang labi nya. "Dahil kahit hindi ko kainin yun, I will always give you a kiss. Here." Hinalikan ko parehong pisngi nya. "Here." Sa nose nya. "Here." Sa noo nya. "Here and here." Sa parehong mata nya.

"Hoy! Kumuha nga kayo ng kwarto!" Kilig na sigaw ni Jessie at Kenzie. Natawa naman kaming pareho ni Reid. "Reid may practice pa kayo oh!" Sigaw ni Kenzie.

"Sandali lang!" Sigaw ko habang nakayapos sa boyfriend ko. Inamoy ko muna sya bago ko sya pinakawalan. "Fave ko talaga amoy mo." Natawa sya tapos hinalikan nya ako sa noo.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon