Five

7.8K 106 1
                                    

"Hay nako mars ah tigilan mo ako keso papular sya at number one bad boy sya, wala akong pake. Yung manners nya parang imbornal, ang sama." Galit na galit kong sinabi kay Kenzie. "Ano feeling nya pag-mamayari nya ang buong school? Bakit may pangalan nya ba yung daan? Bwisit na lalaking yon pogi nga ang manners naman parang naiwan sa bahay. Ano sya may regla moody lang ang peg?"

"Mars relax, oh uminom ka muna," inabutan ako ni Kenzie ng softdrinks.

"Bunso!" Hala boses yun ni kuya. Pag malaman nya na may nambastos sa akin susugudin nya yun for sure.

"Mars kuya mo," takot na sabi ni Kenzie. Maliban sa akin at kay mama, si Kenzie lang din ang nakakaalam kung gaano protective si kuya sa akin at kay mama.

"Kuya!" Tumakbo ako papunta sa kanya. "May nahanap kang gf?" Biro ko sa kanya.

"Baliw ka, eto oh sayo na lang," inabutan nya ako ng Jollibee. "Kainin mo yan sabi ni mama di ko daw nagbaon, tapos nakita ko yung kaibigan mong si Jonathan, sabi nya hindi ka din daw kumain sa canteen. Diet ka ba?"

Natawa ako. "Loko nalimutan ko lang kumain."

Binatukan ako sa ulo. "Gusto mo araw araw kitang batukan para kumain ka. Wag matigas ang ulo at kumain sa tamang oras. Kenzie ikaw na bahala dito kay Blaire need ko na magpunta sa class ko, make sure na kainin nya yan. Meron ka ding fries at ice cream jan, kaso baka medyo tunaw na yung ice cream."

Niyapos ko si kuya bago sya umalis. Swerte ko talaga sa kuya ko sana nakikita kame ni papa ngayon. Si Kenzie naman kilig na kilig.

Dinner sa Blue's house ay pwedeng masaya at pwede ding tahimik at pwede ding magisa ka lang. Si kuya may work si mama din nasa store pa, so ako magisa kumakain ng dinner. Syempre habang kumakain fb fb din pag may time.

Scroll scroll lang tapos bigla ako natigilan dahil may isang video that caught my attention, blurry sya masyado tapos di masyado kita yung mga muka nung dalawang tao. The thing that really caught my attention is that the clothes of the girl ay the same ng suot ko kanina. I click the video para marinig ko ang sinasabi.

"Aba eh bastos ka din ano. Nagsorry na ako diba. Naapakan mo kamay ko, hindi ka man lang ba magsosorry?"

"Sorry? Eh kung hindi mo ako binangga, at hindi ka tatanga-tanga edi hindi ko maapakan ang kamay mo. So wala akong kasalanan, kaya hindi ko kailngan mag sorry sayo. Sa susunod kase titingin ka sa dinadaanan mo."

Nakatitig lang ako sa screen at pinaulit ulit ko ang video. Kahit ilang beses kong ulitin ang video hindi maiitangge na may kasalanan din sya.

What a jerk, tiningnan ko ang kmay ko na may yelo. Kainis talaga akala nya kung sino syang pogi. Well pogi nga sya hindi ko pwede itangge yun pero wala syang manners.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now