Twenty

5.6K 77 1
                                    

Lumapit na lang ako kay Reid at dun sa babae.

Yapusin mo si Reid sa likod. Sabi ng utak ko. Niyapos ko nga si Reid. "Love punta naman tayo sa may bookstores." Yung tingin sa akin ni Reid para bang hindi nya ineexpect na sasabihin ko yung pinauso nyang 'love'.

Patay malisya pa ako dun sa girl, di ko pinapansin. Nagmove ako sa front at niyapos sya habang nagpa-pout. Ngumisi sya at hinalikan nya yung labi ko, sa sobrang gulat ko hindi ako nakagalaw at nakayapos lang ako kay Reid.

Shit nagbackfire ata yung ginawa kong kagagahan.

"Sure love, ituro ko lang sa kanya kung saan ang Jollibee." Sabi ni Reid na mapangasar ang tono. Nakangisi sya habang itinuturo nya sa babae kung saan yung Jollibee. Ako naman parang tangang walang kibo. Dahil nga hindi ako makakilos edi nakayapos pa rin ako kay Reid. Nagpasalamat yung babae at nagtungo na kung saan tinuro ni Reid.

Tiningnan ako ni Reid habang nakangiti. "Ang cute mo magselos." Niyapos nya ako. Humiwalay ako sa kanya at naglakad ng mabilis. Narinig ko syang tumawa. "Blaire sandali!" Iniwan ko sya at naglakad ako ng mabilis, pero nakahabol pa din sya. "Bakit ka nagselos? Eh di ba pretend lang ang relasyon natin?" Bigla akong nakaramdam ng kirot sa dibdib. Shemay naman pretend nga lang pala ang relasyon namin.

"Ha! Ako magseselos? Ano, tayo?" Tumawa sya.

"Ok...so bakit mo nga ginawa yun sa harapan nung babae?" Natawa ako sa nerbyos.

"May sumapi ata sa akin," sabay pasok sa bookstore. Natawa pa rin sya habang nakasunod sya sa akin.

"Oo, selos ang sumapi sa'yo," sabay lagpas sa akin. Namula ang pisngi ko ng napakatindi.

"Miss ok lang po kayo?" Sabi ng sales lady.

"Huh? Oo bakit?" Tiningnan ko yung babae.

"Ang pula po kase ng muka nyo eh." Sabi nya. Ngumiti na lang ako habang hawak hawak ang muka ko. Nakita ko sya na may tinitingnan na libro, so ako naman nagtingin din. Pinagmasdan ko ang likod nya, bakit ang sexy nya kahit nakatalikod. Parang gusto ko uli yapusin yung likod nya.

Kung alam mo lang Reid Vincet Finn, nahuhulog na ako sa'yo.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now