Twenty-Nine

5.3K 64 0
                                    

"Mars bakasyon na tayo!" Excited na sabi ni Kenzie. Sa pasukan ay third year college na kame ni Kenzie, unless na ma-accept kame dun sa experience sa New York.

Habang si Jonathan, si Ash, at si Reid ay mag fourth year college na. "Ano nga pala plano natin?"

"Night swimming?" Suggest ko.

"Ay pak sige sama ako," sabi ni Jessie na dala dala yung softdrinks namin.

"O sige saan ba?" Tanong naman ni Jessie.

Umupo si Jessie sa tabi namin. "Sabi ni kuya maganda daw sa Nagcarlan Laguna, maraming resort."

"Ok so set na tayo, sa Laguna tayo." Sabi ni Kenzie na busy naman sa pagtetext. Palibhasa kase nililigawan na sya ni Ash at ni Jonathan. Haba ng hair ng mars ko.

"Musta naman ang panliligaw ng dalawa sayo?" Tanong ni Jessie.

Tiningnan nya kame. "Ang hirap mamili huhuhuhuhu,"

"Bigay mo sa akin isa," sabi ni Jessie. Natawa na lang ako. "Tawa ka naman palibahasa syota mo pogi na loyal pa. Yung mga pumapatol sa akin ang habol pangload."

"Grabe ka naman sa sarili mo baks," sabi ni Kenzie na busy pa din kakatext.

"Oy Jessie ano na meron ka na bang nahanap na dalawa pang player para sa liga next week?" May biglang dumating na mga kalalakihan.

"Wala pa nga eh. Wait yung syota mo ba Blaire nagbabasketball?" Tumango ako. "Yun naman pala eh, pwede ask mo sya kung pwede sya maglaro sa team ng baranggay natin."

"Nako number one player kaya syota nyan sa school namin," sabi naman ni Kenzie.

"Ask mo rin kaya si Ash kung pwede sya, tutal player din naman yun," sabi ko.

"Ay bro taken na pala si Blaire my labs mo," nagtawanan yung mga lalaki habang may pinagtutulakan silang lalaki na mapayat pero cute. "May gusto kase sayo tong si James."

Tiningnan ko yung James na sinasabi nila, biglang namula yung muka nya. "Nako pre syota pa lang naman, hindi pa kasal." Sabi ng isa nyang kasama. "Pwede mo pa agawin."

"Ako hindi pa ako taken James," birong sabi ni Jessie.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Dove le storie prendono vita. Scoprilo ora