Nine

6.5K 92 0
                                    

"Well, well, well...welcome back Blaire." Sabi ni Jonathan na biglang yapos sa akin. "Oo nga pala Blaire may kailangan akong sabihin sayo in private. Pwede ka bang makausap after school?"

"Umm...oo ba. San mo gusto magmeet?"

"Dun na lang sa may coffee house malapit dito sa school," tumango ako. "Ok I gotta go, tutulungan ko pa si Kenzie sa chemistry eh."

"Himala nagtutulungan kayong dalawa." Natawa na lang sya. Out of nowhere nakaramdam ako ng something in the back of my neck. Para bang may nanonood sa akin. Tumingin ako sa likod ko at napnasin ko si Reid na nakasuot ng gray na t-shirt at naka skinny jeans na butas-butas. Nakasandal lang sya sa may puno habang nakatitig sa akin. Syempre tumitig din ako papatalo ba naman ako sa kanya. Anyway halos tatlong minuto ata kame nakatitig sa isat-isa. Mag aapat na minuto na nga sana kaso may biglang tumulak sa akin. Sa lakas ng pagkakabagsak ko feeling ko yung bituka ko pumunta sa lalamunan ko.

"Haharang-harang kase eh. Shit nasira ang nail ko." Iritang sabi ng babaeng may magandang buhok sa mga kaibigan nyang pabebe. She checks her nails and then gave me a death glare. "Do you know how much this nails are? This cost me one-thousand pesos."

Tumayo ako at pinagpagan ko ang sarili ko. 1,000 pesos para sa nails, ano to gawa sa ginto? Ipalamon ko pa sa kanya yang nails nya eh. Arte ne'to.

"Say sorry to her," sabi nung isang babeng kasama nya.

"Nope," sabi ko habang tinitingnan ko sya. Sorry? Ano sya reyna? Magso-sorry ako pag nilamon nya yung nails nya.

Napanganga silang apat. Apat kase silang magkakaibigan eh. "What did you..."

Pinutol ko sya agad. "You heard me, I said no. I don't owe you an apology. YOU owe me one, sweetheart."

Lumapit si girl na may magandang buhok. Napangiti sya. "Hindi mo ba ako kilala?"

Natawa ako. "Not interested." Aalis na sana ako ng biglang dumaan si Reid, na may pasa sa muka. Yung nakuha naming audience sa little scene namin ni girl with nice hair, lahat sila nakatingin na kay Reid. Yung ibang tingin mukang takot, yung iba naman mukang malaki ang respeto nila kay Reid, at yung iba naman kinikilig. This time though may kasama syang lalaki na super duper hot. Grabe bes yung muka nya super kinis tapos nakasuot pa sya ng contact lense. Yung feature nya mukang from out of this world. Tapos yung ngiti nya, OMO! Ulam na!

"Oooohhhh Reid look there's a fight." Sabi nya kay Reid habang nakaakbay sa balikat neto. Unang tumingin si Reid sa akin pagkatapos dinilian ko sya sabay alis. Pero parang ngumiti sya ng maliit lang, ewan kung nagmamalikmata lang ako, pero bagay pala sa d ang nakangiti.

Hoy Blaire tandaan mo ilang beses ka nang sinabihang tanga at lampa ng Reid na yan, wag ka basta basta papadala sa ngiti nun. Umiling ako at itinuloy ko ang pag lalakad patungong sa next class ko.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now