Six

7.3K 107 5
                                    

"Mars nakita mo ba yung video sa fb?" Tumango na lang ako. "Nako kung makita ko lang kung sino nagvideo sa inyo, kakalbuhin ko talaga sila."

"Eh ano ba kase talaga nangyari at nabungo mo si Reid?" Napabugtong hininga na lang ako pag naalala ko ang nangyari kahapon.

"Eh kase etong si mars ko may hinahanap sa bag nya, eh palabas kame ng classroom. Tapos biglang daan ni Reid baby ko edi nagkabungguan sila. Naapakan pa nga yung hand ni mars ko eh. Tapos di man lang daw nagsorry si Reid baby kaya nagtalo sila." Paliwanag ni Kenzie.

"Ok...eh ang tanong nakita na ba ito ng kuya mo?" Bigla akong napatingin ng mabilis kay Jonathan.

"Uh...di ko alam."

"Uh-oh," biglang sabi ni Kenzie. "Mars kuya mo papunta dito."

"Huh!?" Tumingin ako kung san sya nakatingin. "Anong gagawin ko muka syang galit?" Nung dumating si kuya bigla ako napatayo at umalis bigla. Tumakbo ako ng mabilis at patingin tingin ako sa likod ko ng bigla akong tumama at natumba, nanaman.

"Ow," tiningnan ko ang palad ko kung nagkasugat, sabay pagpag. Tiningnan ko yung bumangga sa akin, at kapag minamalas ka nga naman yung mayabang na Reid pa ang makakabangga mo. Tumayo akong bigla. "Kung mamalasin ka nga naman."

Tinitigan nya lang ako at sabay pagpag sa may balikat nya. Hmmm ngayon ko lang napansin na may hikaw pala tong si mukong at super kinis ng face nya. Yung mata nya pag tumitig parang makakapatay. "Ikaw nanaman, talaga bang hobby mo na ang bungguin ako o talaga lang sinasadya mo lang. Stalker ka ba?"

"Kapal din naman muka mo tsong. Ano akala mo sa sarili mo artista? Wag feeling dahil kahit ganyan ka kapogi di ka worth sundan. Sa sama ba naman ng ugali mo." Sabi ko habang pinipigilan ko ang sarili ko na hindi sya murahin.

"So sa tingin mo pogi ako," kinagat ko ang labi ko. "Kaso hindi ako napatol sa tanga na at lampa pa pero..." tiningnan nya ako mula ulo hanggang paa. "Baka naman mabago ang isip ko." Dinilaan nya ang labi nya sabay kagat. Nilapit nya ang muka nya sa akin at hindi ko napigilang aralin ang muka nya. Parang hindi sya tao napaka kinis ng muka nya at super kissable ang lips nya. Yung nose nya matangos at ang bango bango nya. Ngumisi sya. "Like what you're seeing?" Itinulak ko sya. "Sa susunod kase wag tatanga tanga, nakakaabala ka na."

Without a second though I slap him hard. Maluha luha na nga ako sa mga pinagsasabi nya sa akin eh. Pagkasampal ko sa kanya tumakbo ako habang may luha na napatak sa mga mata ko. Ewan ba kung guni guni ko lang pero parang ngumiti sya sa pagsampal ko sa kanya.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now