Twenty-Five

5.5K 70 1
                                    

"Ayiiiiiiiieeeeeeee!!!!!! OMG! Mars kinikilig parin talaga ako. Kayo na talaga, as in for real!" Tumango ako habang nakangiti. "Pero sabi ng mga kaklase ko sa music bad boy daw yang si Reid. Laging napapaaway, tapos laging may pasa ang muka. Pero mars, sya lang ang bad boy na kilala ko na hindi flirt. Balita ko pa wala pa daw nagiging girlfriend yan. Mars ikaw ang first love nya, EMEGESH kinikilig talaga ako!!!!"

"Pero parang ang dami nyang experience," natawa sa akin si Kenzie.

Ako first love nya? Kinikilig ako habang iniisip ko yun. Ako first love nya.

"Oy mga bakla ano pinagchichismisan nyo dyan?" Sabi ni Jessie, yung baklang tindera na kaclose ni Kenzie na naging close ko na din.

"Yung syota nito ni Blaire. Nako pag makita mo yun, laglag panty mo bakla!" Natawa ako.

"Bakla ka ipakilala mo na sa akin yan!" sabi ni Jessie. Hindi ko na sya nasagot dahli biglang tumawag si Reid

"Hello." Sinagot ko agad-agad.

"Ano ginagawa mo?" I love his voice. Mukang kakagising lang ni mokong. It's been two days since we became a couple, a real couple.

Inaasar ako nila Kenzie at Jessie sa likod. "Nakatambay lang sa may kanto."

"Gabi na ah," I laugh nervously. "Kakagising ko lang. Miss na kita, baka mamaya may pumoporma na sayo dyan." Biglang lumundag yung puso ko sabay slide sa rainbow.

"Sus lagi mo naman akong niloloko, pero miss na din kita." Tumawa sya, I love his laugh. "And FYI no, takot lang nila sayo."

"Pauwi na kame ni Ash mamaya, may gusto ka bang pasalubong?" Nagpunta kase silang Palawan ni Ash para sa project nila.

"Ikaw," sabi ko ng mahina.

"Iyong iyo na nga ako, ako pa rin gusto mong pasalubong," tumawa sya. "Selfish na yan love."

"Na-narinig mo yun." Tumawa uli sya. "Ewan sayo! Magingat na lang kayo pag uwi."

"Opo love," kinilig ako. "O sya maliligo pa ako. Behave ka lang love. I'll see you soon. Love you." Sabi nya.

"Love you too," ng matapos ang usapan namin, halos hindi ko na maitago yung ngiti sa muka ko. Kaloka sya. Sya lang ang bad boy na sweet, that's why I love him.

"Ayieeeee bakla ang sweet naman, daming langgam oh!" Nagtilian si Kenzie at si Jessie.

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon