Fourteen

6.2K 88 0
                                    

"Uy mars tulala ka nanaman." Sabi ni Kenzie.

"Huh? ah wala naman," natawa na lang ako.

"Utot mo mars, sino niloko mo, ako? Spill it!" Sabi nya.

"Wala nga mars, napaisip lang," sabi ko naman.

"Tungkol ba dun sa kiss? Ano nga malambot ba labi nya? Masarap ba?" Kinurot ko tagiliran nya. "Aray mars!"

"Baliw ka nanaman, tigilan mo nga ang pagkakatol," natawa na lang sya.

"Denial mars." Dinilaan ko sya.

"Tara na nga malelate nanaman tayo eh," umalis na kame papuntang school. Grabe siksikan sa jeep ang init. Baka pag dating namin sa school muka na kaming mga basang sisiw.

Habang papasok sa loob ng school, hindi pa rin ako tinitigilan ni Kenzie tungkol sa kiss namin ni Reid. Kahit ilang beses kong ipaliwanag na aksidente lang ang nangyare, wala pa ding tigil si Kenzie sa kakatanong. Please God patigilin nyo na tong si Kenzie.

Biglang tumahimik si Kenzie, wow ang bilis naman matupad ng prayer ko.

Tiningnan ko si Kenzie at nakatitig lang sya nang diretso. "Uy ok ka lang?" Yung expression ni Kenzie mukang galit na galit. Tiningnan ko kung saan sya nakatingin at parang buong katawan ko nag war mode. Si Dave at yung ahas nyang ex kasama si Jonathan nakikipagkwentuhan.

"Mars?" Nginitian ko si Kenzie.

"Tara na, ok lang ako." Nagpatuloy kame sa paglalakad.

Napansin ako ni Jonathan at kumaway sya sa akin. Napatingin naman sa akin si Dave at si Maddison the snake. "Blaire!" Tawag ni Dave. Tumakbo sya papalapit sa akin at iniwan nya si Maddison.

"Kapal muks din naman Dave," sabi ni Kenzie. "Pagkatapos mong saktan kung makatawag ka parang walang nangyari ah, ano kayo friends?"

Hindi nya pinansin si Kenzie. "Musta ka na?"

"Eto masaya ng wala ka," sabi ko. Ngumiti sya ng malungkot. "Maigi naman at masaya kayo ng GF mo." Nagpatuloy na ako sa paglalakad at napansin ko si Reid na pinapanood kame. Kasama nanaman nya yung lalaking kasama nya nung isang araw. Nagsimula syang maglakad patungo sa direksyon ko. OMO!!! Bakit sya pupunta dito?

"Wait lang naman Blaire, gusto kitang makausap," hinawakan nya ang kamay ko, pero tinanggal ko ito.

"Wala na tayong kailangang pagusapan, Dave. Matagal na tayong tapos." Naglakad uli ako pero hinabol uli ako ni Dave. Nakita ko si Reid na malapit na sa akin. "May boyfriend na ako Dave, kaya tigilan mo na ako." Napatingin ako kay Reid, malapit na sya. Tapos napatingin ako kay Kenzie na mukang alam na nya ang binabalak ko.

"Hindi ako naniniwala," I shrug.

"Ok." Lumakad ako palapit kay Reid. Nang walang pagdadalawang isip ay niyakap ko sya. Ang bilis ng tibok ng puso ni Reid. Tumingin ako sa kanya at tiningnan nya ako ng patanong. "Sorry," binulong ko sa kanya. Hinawakan ko ang magkabila nyang pisngi at nilapit ko sya sa akin.

I freaking kiss Reid Vincent Finn for the second time.

Nung una parang di sya sure pero bigla nyang hinawakan ang bewang ko at mas hinila nya pa ako papalapit sa kanya. The kiss is perfect and I like it, wait why do I like it?

Para bang matagal na nyang gustong gawin, pero hindi nya lang magawa. Ewan ba kung bakit ko ginawa to. Desperada na ba talaga akong iprove kay Dave na hindi sya kawalan?

Nang maghiwalay ang labi namin parehas kaming hingal na hingal. Hindi nya pa rin binibitawan ang bewang ko at nakatitig Lang sya sa akin nang nakangisi. "Kelan pa naging tayo, huh nerd?"

"I'm sorry talaga, please kahit ngayon lang." Nagmakaawa ako sa kanya. Yung ngisi nya mas lalong lumalim.

"You owe me big time nerd."

Ano ba tong pinasok ko?

--------------------------------------------------------------
PLEASE DON'T FORGET TO VOTE AND COMMENT. THANK YOU SO MUCH!!!!!!😊😊😊

The Bad Boy Fall in Love [COMPLETED]Where stories live. Discover now