Lihim 3: Chapter 12- Resto..

Start from the beginning
                                    

Hanggang sa maasar ako inihagis ko ang remote sa kung saan.

Nagdesisyon akong lumabas ng bahay para maglakad-lakad.

Dinala ako ng mga paa ko sa may maliit na parke dito sa'ming subdivision. Umikot-ikot lamang ako hanggang sa mapagod. Napili kong maupo sa may swing para magpahinga.

"Tsk! It's already late."

Napalingon ako nang marinig ko boses na 'yon.

Naglakad ito palapit sa'kin.

"Wife.."

"Ha?.. ahm kamusta si.."

"How are you wife?" Putol nito.

"O..okay lang ako.." sagot ko dito.

Lumuhod ito sa harapan ko at hinawakan ang mga kamay ko.

"I am very sorry about yesterday. Wala man lang ako sa tabi mo ng mawalan ka ng malay..."

Kahit medyo madilim sa parteng kinaroroonan namin, kitang-kita ko sa mga mata nito ang sinseridad sa mga sinasabi nito.

".. hindi man lang kita nasalo.." pagpapatuloy nito. Nanunubig na ang mga mata nito. "Ayokong maramdaman mo na nahahati na ako sa dalawa, dahil hinding-hindi iyon mangyayari. Nasasaktan ako kapag nakikita ko ang mga sakit sa mga mata mo.."

Napakagat-labi ako para pigilang maiyak sa harapan nito.

"Ang sama sama kong asawa sayo!"

"Edwardo.."

"Hindi ko alam ang gagawin ko Marydale.. paano ko ba mababawasan ang sakit na nararamdaman mo?" Umiiyak na sabi nito.

Nakayuko ito habang nakapatong ang ulo nito sa mga tuhod ko. Hawak-hawak pa rin nito ang mga kamay ko.

"Bakit ganito iyong kailangan nating pagdaanan?" Patuloy nito sa kabila ng pag-iyak.






Kinabukasan maaga akong nagising, hindi ko alam kung anong oras na kami nakauwi ni Edwardo. Wala na kaming ibang napag-usapan pa bukod sa mga sinabi nito. Hinayaan kong ilabas nito ang lahat ng bigat nito sa loob.

Matapos akong makapag-ayos, bumaba na ako, naabutan ko si Edwardo na nakaupo sa may sala. Hindi ata nito naramdaman ang presensya ko dahil mukhang malalim ang iniisip nito.

Pinagmasdan ko ito. Nangingitim ang ilalim ng mga mata nito at ngayon ko lang napansin na ang laki na ng pinayat nito.

Mukhang nahalata nitong may nakatingin dito dahil napatingin ito. Tarantang tumayo ito at binati ako. Lumapit ito sa'kin at hinalikan ako sa pisngi.

Ngumiti ako ng tipid dito.

Hindi ko masasabing okay na kami dahil gaya ng nasabi ko wala kaming napag-usapan.

Linggo ngayon at wala itong pasok sa opisina.

"Marydale.."

Pakiramdam ko gusto kong mailang.

"Can.. can we go out?" Alanganing tanong nito.

Tinitigan ko ito. Tumango ako dito.

Bakit nga ba hindi? Ang tagal na rin ng huli kaming lumabas. Kailangan namin ito, kailangan naming ibalik iyong dati.

"Date ba ito Dong? Ang pangit mo naman.."biro ko dito.

Parang nagliwanag ang mukha nito.

"Yes! I mean no, yes.. of course! Argh! Just wait a minute wife!" Tarantang sabi nito.

Natawa ako ng biglang tumakbo ito papanik sa itaas.


MAYWARD fanfic: Lihim (completed)Where stories live. Discover now