CHAPTER 45. HIDE AND SEEK

Start from the beginning
                                    

“Ahh!” inis na nilapag ni Kianna ang kaniyang huling baraha. Natalo na naman ito sa laro at ikinaiinis niya iyon.

Bagot na nanonood si Khali sa kanilang nilalaro. Tumawa si Kevin sa kaniyang pagkapanalo.

“Kevin is hiding a card underneath his sleeve.” pambubuking ni Khali sa pandarayang ginawa ni Kevin kaya‘t lagi siyang nananalo.

“Walanghiya ka talaga!” sigaw ni Xander saka siya binatukan.

Hindi na natuto. naisip naman ni Trevor at agad ding binalik ang atensiyon sa pagb-browse ng pictures sa phone.

Kanina pa kasi napipitik sa noo ang tatlong dalaga, kaya naman nakakainis na malamang dinadaya lang pala sila nito.

“Lili, do you like gems?” Trevor suddenly asked.

“Why?” Khali replied as he turn to him.

“Just answer it.”

“Yeah...” Khali replied.

I like expensive things. They‘re mostly pawnable and great source of emergency money.

“Okay...”

“Iba na nga lang laruin natin!” Kevin said while laughing. “Something fun, huwag ‘yung naka-upo lang tayo.”

“Alam ko na!” ani Erin na tila may naisip na magandang ideya. Napatingin ang lahat sa kaniya. “Why don‘t we play hide and seek?”

Bahagyang tumawa si Jaeshin, “Isip bata ka talaga.” aniya.

Inirapan lang siya ni Erin at hindi na pinansin. Samatalang sina Kianna at Jaemin ay agad na sumang-ayon sa ideya niya. Naisip nilang mas magiging masaya ang larong ito kaysa sa baraha.

Ito kasi ang pinaka-paboritong laruin ni Jaemin mula noong bata palang siya. Lagi niyang niyayaya si Khali na maglaro noon na kahit pumunta pa siya sa mansion nila para makipaglaro.

Ang kaso, dadalawa lang silang magkaibigan kaya naman ang mga tauhan sa bahay nila Khali ang kanilang kinakalaro. Kahit pa, lagi nalang siya ang nagiging taya.

“Sumali na kayong lahat!” sabi ni Jaemin.

“Okay, we‘ll join then.” sagot naman agad ni Alexander saka ngumiti.

Sumali na rin si Kevin dahil wala naman siyang ibang gagawin, at siya rin ang may gusto ng ma-aksiyon na laro.

“Sali ka, Lili! Please!” pag-aaya ni Jaemin sa kaibigan.

Itong larong to na naman?

Naaalala ni Khali na halos araw-araw noon ay naglalaro sila nito. Hindi na siya tumanggi dahil alam niya niya kung paano laruin ito.

At dahil sumali siya, sumali na rin si Trevor. Kung saan si Khali, doon din ito. Amo and aso be like amputs.

Si Jaeshin nalang ang natitirang di sang-ayon. Kaya napatingin silang lahat sa kaniya.

Noong mga bata sila ni Erin, madalas nila itong laruin. Automatic na bumalik sa alaala niya ang mga oras na magkalaro sila. Kalaunan ay napapayag rin nilang sumali si Jaeshin.

GANGSTER ROYALTIES: Love and MisadventuresWhere stories live. Discover now