CHAPTER 34 -- I Can Wait to Have You

Start from the beginning
                                    



          “Mahal mo ba talaga si Keizer?” Tanong ko sa kanya nang ma-compose ko ang sarili ko mula sa sobrang kaligayahan. Hahaha.



          “Oo naman.” Mabilis na sagot nya.



          “Eh bakit hindi ka nagtitiwala sa kanya?”



          “Nagtitiwala ako sa kanya, pero dun sa ex nya hindi.”



  “Hindi ka pa din nagtitiwala.”



          “Ano bang alam mo ha?” Nagsungit na naman sya.



          “Kung nagtitiwala ka sa kanya, hindi ka magpapaapekto sa mga naririnig mo lang. Itanong mo sa kanya kung ano ang totoo,” payo ko.



          “Hay naku! Bahala na.”



          Humiga sya sa damuhan.



          “Maarte ka kasi,” sabi ko.



          “Alam ko,” sagot nya.



          Tumingala ako sa langit at pinagmasdan ko yung mga ibong lumilipad. Buti pa sila uuwi na, samantalang ako hindi ko maiwan itong si Sheri.



          “Sheri, hindi ka pa ba uuwi?” Tanong ko.



          Hindi naman sya nagsasalita. Baka mamaya umiiyak na naman ‘to. Tiningnan ko sya at nakita kong mahimbing na yung tulog nya.



          Tama bang tulugan ako?



          Napagod na siguro sya. Kailangan ko ng umuwi pero ayoko namang gisingin itong si Sheri. Hahayaan ko na lang na makakuha sya ng isang mahimbing na tulog pagkatapos nyang mag-iiyak dito.



          Kinuha ko yung bag nya at hinanap ko yung cellphone nya.



          Sinong tatawagan ko dito?



          Keizer Dominic Olivares



          Sya na lang ang tatawagan ko.



          (“Hello, Sheri nasaan ka?”) Tanong nya kaagad nang sagutin nya yung tawag.



“Keizer si Harold ‘to. Sunduin mo dito sa park yung girlfriend mo, nakatulog na eh,” sabi ko.



(“O sige.”)



Hay, kailangan ba talagang ako ang maging tagapag-ayos nilang dalawa? Kung may sasakyan lang ako, iniuwi ko sya sa amin.



Sa susunod na magkikita kami nitong si Sheri, sisingilin ko na talaga ‘to. Ang dami na nyang utang sa ‘kin.



“Iuuwi ko na sya.” Napatingin ako dun sa nagsalita, si Keizer pala. Ang bilis ah.



Tumayo ako.



“Keizer, di ba sabi ko sayo dati wag mo syang papabayaang mag-isa?” Sabi ko sa kanya.



“Hindi ko sya pinapabayaan,” pagtanggi nya.



“Okay, sabi mo eh. Pero ingat ka, baka sa susunod na mawala si Sheri, hindi mo na sya makita ulit kasi napunta na sya sa iba.”



Tumalikod ako para umalis na. “Wag ka ng magpasalamat sa ‘kin. Hindi ko ginawa ‘to para sayo, para kay Sheri.”



Iniwan ko na silang dalawa dun.



Kapag nalaman kong wala na talaga si Keizer at Sheri, hindi ako magdadalawang isip na pumasok sa eksena.



Yung mga babaeng tulad ni Sheri, hindi basta-basta pinapaiyak at iniiwanan. Sigurado akong maraming sasalo kay Sheri kapag nawala si Keizer. Kaya sisiguraduhin kong ako ang mauuna sa kanilang lahat.

When Love Ain't Just EnoughWhere stories live. Discover now