18: I think I'm starting to fall

Start from the beginning
                                    

Pakiramdam ko naman may sauce ako sa pisngi ko. Kaya kinuha ko yung tissue sa table at ipupunas na sana sa pisngi ko kaso pinigilan nya na naman yung kamay ko. Wag mo sabihing sya pa rin ang magpupunas ng dumi sa pisngi ko. OVER! Lumpo?

"Ako na."sabi nya at kinuha yung tissue sa kamay ko. But instead of wiping the sauce he came near my face and kissed my cheek as if he sipped the sauce on it.

Nagwawala na yung utak ko sa kilig! Bakit?! Kinikilig talaga ako. 

Tapos pinunasan rin naman nya ulit yung pisngi ko kasi may laway nya. Haha..

Busog na ako. Ayaw ko na kumain! Grabe naman kasi si ALfred... yung mga gestures pa lang nya, busog na ako. Sobra na! OVERLOAD KILIGNESS!

Luminga muna ako sa labas. Tinitingnan ko lang kung makikita ko ulit si Tricia.

Namasyal muna ulit kami ni Alfred. Sobrang excited nya talaga sa baby. Nagpunta naman sya sa mga baby cribs and toys. Pumipili na sya eh.

"Honeybunch Sweetypie! Ang ganda noh?" 

O____O <--- ako

O____O <--- sales lady

"OMP! Bakit ganyan ka?!" I shouted sweetly. Yung parang naiinis pero kinikilig. Hindi ko na kasi mapigilan. Kanina pa ako kinikilig sa lalaking 'to. Pwedeng sakalin sa kilig?

"Anong ganito?" his sheepish smile formed in his face. "Ganito naman sadya ako, honeybunch sweety pie."

"KYAAA! Ang sweeeeeet!"o____O nagulat ako sa sales lady na namimilipit na sa kilig.

"Are you ok, miss?" tanong ko sa kanya. Moment kong kiligin eh pero sya yung mas kinikilig sakin.. epal sa scene? Feeling bida?

"Ay.. sorry po... hihi... ang cute nyo lang po kasing mag-asawa tapos hindi pa nahihiya si sir na tawagin kayo sa endearment nyo in public." kung napipicture out nyo lang ang babeng ito na pasway sway pa habang nagsasalita.

"Ah.. ganun ba? Proud naman ako dito sa asawa ko." biglang umakbay sakin si Alfred.

Hihirit pa sana ulit si saleslady buti napigilan nya ng kiligin. Nauunahan pa akong magreact eh. Bakit ba kasi ako ang nagnanarrate?

Nagpaalam muna ako kay Alfred na pupunta muna ako sa CR. 

Pagkapasok ko sa CR, ang haba ng pila sa mga cubicle. BUti na lang dun sa last, hindi kaya dun ako pumila.

"Ate, sira po yata jan. Kanina pa pong hindi nagbubukas ang cubicle na yan eh." sabi nung nasa katabing nakapila.

"Ah.. ganun ba?" lilipat na sana ako ng pila ng biglang bumukas yung cubicle na pinilahan ko.

Shotgun Marriage [w/ Compilation; No Soft Copy]Where stories live. Discover now