37 - Crying Silently

Start from the beginning
                                    


" Let's go? We are getting out of here, may mga lugar pa akong gustong ipakita sana sayo. " Tumayo na ako and naginat.


Tiningnan ko siya ulit pero nakaupo pa rin siya.


Sino ba kasi yang iniisip mo Ellie? Bakit lagi na lang akong pumapangalawa? Sa tingin ko kahit dalhin ko siya ngayon kahit saan wala pa ring magbabago. " I think.. umuwi na lang tayo, next time na lang kitang dadalhin sa iba pang lugar. "


Dati kahit hindi sinasabi ni Sandy lahat ng problema niya, wala akong ibang magawa kundi ang intindihin na lamang siya at damayan. Katulad ngayon.. I don't have an idea what is happening to her right now, pero dahil ako ngayon ang kasama niya, gusto kong iparamdam sa kanya na may kaibigan siyang nandito for her at hindi magsasawang dadamayan siya at intindihin. And hindi rin ako magsasawa.. ayoko lang nakikitang nasasaktan siya, kasi nasasaktan din ako. Tsaka sanay na ako pagdating sa taong mahal ko na lagi akong huli.. pero kung totoo mang may nararamdaman na din si Sandy para sa akin, masayang masaya na ako don, wala na akong mahihingi pa.. ang gusto ko lang naman magkaroon ako ng lugar sa puso niya.


Tiningnan ko siya ulit but she's still on the same spot.


" Nakakainggit.. mabuti pa yung floor natititigan mo ng matagal pero ako hindi. " Biro ko para naman kahit papaano mapatawa ko siya, maybe?


Ngayon nakatingin na siya sa akin, I'm glad that she's smiling. But.. napatawa nga ba talaga kita o sinasadya mo lang na matawa? " Pagtatawanan mo na lang ba lahat ng joke ko? " Lagi mo na lang bang iisipin na 'joke' lahat ng sinasabi ko?


Tumayo na siya. " Boring na ba akong kasama, Xander? Pasensya ka na ha? Ewan ko.. bigla na lang kasing gusto kong mapagisa. I'm sorry na hindi ko man lang agad sinabi sayo kanina. "


" Sana nga tinanggihan mo na ako kanina nung niyaya kitang lumabas. "


Sinasabi ko na nga ba.. may nangyayari sayo pero mukhang wala ka namang balak na magsabi sa akin.


" Maiintindihan ko kung magagalit ka sa akin. Sorry talaga.. " Ellie.


" Hindi ako magagalit.. sa katunayan nga nyan gusto pa kitang intindihin Ellie, kung ano man yang iniisip mo ngayon na gumabagabag sayo, sana malampasan mo yan. Tsaka kung gusto mo ng may makakausap, I'm always here for you. " Pinat ko ang ulot niya at ngumiti sa kanya.


Mas gusto niyang mapagisa ngayon at wala naman akong karapatan na pigilan siya. Bilang matalik na kaibigan, nandito lang ako para sa kanya.. at bilang isang taong nagmamahal sa kanya.. lahat tatanggapin ko kung ano sa tingin ko ang totoong magpapasaya sa kanya at kung hanggang saan lang dapat ako.


Pero bakit hanggang ngayon pakiramdam ko.. katulad pa rin ako nung dati pagdating sa babaeng mahal ko?


Umuwi na kami ni Ellie.


Kinagabihan nung makapsok ako sa kwarto namin ni Louis nakikita ko siyang nagaaral ng husto.

12 Bad Boys 2: UnrememberedWhere stories live. Discover now