CHAPTER 31 -- Nasaan Ako?

Start from the beginning
                                    

          “Alam mo kung wala kang matinong masasabi, umuwi ka na lang sa inyo!” Umalis na ako.



          Pero hinabol nya ‘ko at hinawakan ang braso ko.



          “Papauwiin mo ako tapos ikaw ang aalis? Baliw ka din, eh ‘no?” Tumawa sya ng malakas.



          “Bitawan mo nga ako!”



          “Ayoko. Sumama ka sa ‘kin.” Hinila nya ako.



          Napunta kami sa may dulong part nitong park.



          “Hoy Harold, anong ginagawa natin dito?” Tanong ko.



          “Sigaw,” utos nya.



          “Ano?”



          “Sumigaw ka. Isigaw mo yang sama ng loob mo.”



          “Bakit ko gagawin yun?”



          “Para mabawasan ang sama ng loob mo.”



          Pumunta sya sa likod ko at hinawakan nya ang balikat ko.



          “There’s no harm in trying. Sigaw na,” sabi nya.



          Huminga ako ng malalim.

“HOY ANGELA! NAKAKAINIS KA! PAGKATAPOS MONG IWANAN YANG BOYFRIEND MO, KUKUNIN MO SYA SA AKIN?! ANO TAYO NAGLOLOKOHAN?! HUMANAP KA NG SAYO!” I shouted at the top of my lungs.



          “Feeling good?” Tanong ni Harold.



          Tumango ako. “Pwedeng isa pa?” Tanong ko.



          “Free kang sumigaw dito,” sabi nya.



          “KEIZER!!!” Nung binanggit ko ang pangalan nya bigla akong naiyak. “MAHAL KITA PERO BAKIT NAKAKAINIS KA?!” Umiyak na ako on my last word.



          “Wag ka ng umiyak, baka akalain nila pinaiyak kita,” sabi ni Harold.



          “Ikaw naman kasi talaga ang may kasalanan ah! Hindi naman ako iiyak dito kung hindi mo ‘ko pinasigaw!” Umiiyak na sagot ko.



          “Hay, ako na nga ang tumulong ako pa ang napasama. O eto.” Inabutan nya ako ng panyo.



          Kinuha ko yun at pinunasan ko yung mga luha ko.



          “Ang arte-arte mo,” comment nya. “Paano mo ba nalaman yun?” Usisa nya.

When Love Ain't Just EnoughWhere stories live. Discover now