CHAPTER 31 -- Nasaan Ako?

Start from the beginning
                                    



          Wala nga ba akong dapat ikagalit?



          Hindi ko alam na magkaibigan na pala ulit silang dalawa at hindi ko din alam na pinupuntahan ni Angela si Keizer sa training nya. At ang lahat ng yun, hindi sinasabi sa ‘kin ni Keizer. Wala ba akong dapat ikagalit dun?



          Umalis na ako ng library. Umakyat ako sa office namin at kinuha ko yung camera ko.



          “Oy, saan ka pupunta?” Tanong ni Apple.



          “Maghahanap ng subject? Ewan. Bahala na, kahit saan.” Sunod-sunod kong sinabi.



          “BV lang ‘teh?” Tanong nya ulit.



          “Bye.” Lumabas na ako.



          Saan ba ako pupunta?



          Dinala ko ang sarili ko sa park. Stress reliever ko na talaga ang magpicture ng kung anu-ano. Kapag naiinis din ako, nagagalit o depressed camera ko lang lagi ang kasama ko sa pagpunta sa kung saan-saan.



          Picture lang ako ng picture. Kahit walang kwenta ang subject, gora lang ako sa pag-click.



          Yung last picture, nagulat ako nang isang pamilyar na tao ang nag-register sa cam ko.



          “Bakit ka nandito?” Tanong nya.



          “Bawal ba? O sige, aalis na lang ako. Nabili mo na yata ‘to eh,” pagtataray ko.



          “Whoah! Ang taray mo ah! Meron ka?” Pang-asar na tanong nya.



          “Who cares kung meron ako?!” Sigaw ko sa kanya.



          “Bakit ba kasi ang init ng ulo mo? Chill lang.”



          “Kapag sinabi ko ba sayo kung bakit, may magagawa ka?” Tuloy lang ako sa katarayan.



          “Malay mo naman.” Sagot nya.



          I took a deep breath. “Bwisit ako kasi hindi ko alam na yung boyfriend ko at yung ex nya ay friends na pala at ang isa pang mas nakakabwisit, pinupuntahan sya ng ex nya sa training nya nang hindi ko nalalaman! Happy?!”



          Ngumiti sya. “So nagseselos ka pala.”



          “Ay hindi! Tuwang-tuwa nga ako sa nalaman ko eh,” sarcastic na sagot ko.



          “Kayong mga babae, nakakatawa kayo. Konting napalapit lang kami sa iba, nagseselos na kayo kaagad.” Natatawang sabi nya.



When Love Ain't Just EnoughWhere stories live. Discover now