Chapter Thirty- Three

Magsimula sa umpisa
                                    

Around 3 PM ay nag-ayos na ako ng aking sarili. I just wear casual attire. Another staff lead me to his office. Nilamig na agad ako nang makapasok sa office niya. Aside sa malakas na air con, pati ang presensiya niya ay napakalamig na rin.

Umikot ang swivel chair niya at eksaktong humarap sa akin. Mariin niyang pinasadahan ng tingin ang buong katawan ko mula ulo hanggang paa. "Have you read the contract?" He said in a business tone of voice. Tila nanlambot ang mga tuhod ko.

How did I even allow myself be in this unimaginable situation?

"Y-yes..." Kinurot ko ang daliri ko. Gusto ko siyang yakapin. Sobrang miss na miss ko na siya pero ni hindi ko ngang magawang lumapit pa sa kanya.

"Alright. Come here." Sumenyas siya sa aking maupo sa may sofa at tsaka siya tumayo. "Where's the contract?" Nataranta akong inabot ang brown envelope na dala ko kanina pa sa kanya.

He scanned the whole contract probably just checking all my signatures, as well as my manager's.

"Any more questions?" Bahagyang nanlaki ang mga mata ko nang maramdaman ko kung gaano siya kalapit sa akin ngayon.

"Okay na. I don't have any question." Umiling pa ako at bahagyang nag-iwas pa nang tingin sa kanya.

Itinuon ko ang pansin ko sa buong contract na nakalapag na ngayon sa mesang nasa tapat namin. "You're not gonna push me away this time?" Nilingon ko agad siya nang hindi nag-iisip.

Huli na nang marealize kong naglapat na ang aming mga labi. Pareho kaming natuod sa pwesto namin. Nakatitig siya sa akin, cold stares...samantalang ako ay nanlalaki ang mga mata. Hindi ko alam ang gagawin ko, hirap na hirap akong lumayo sa kanya. Damnit! Why do  I have to miss him this much?

Siya na mismo ang unang lumayo na mas naging kahiya-hiya sa side ko. "I'm sorry." Hindi ako makatingin sa kanya ng diretso.

"I'm not sorry about it." Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "I like it. I feel welcomed again." Ngumisi siya at tsaka tumayo.

He left me in his office, dumbfounded.

Hindi ako makapag- concentrate habang tinuturo sa akin ang mga dapat gawin. Damn that kiss!  "Cline? Hello? Cline..." Napatingin ako sa director. Nahihiya akong humingi nang paumanhin at pinilit makinig sa kanya.

Tumakbo akong nakapaa lamang sa may white sand habang nakasuot ng summer dress. Ito ang nakalagay sa script.

Masaya akong tumatakbo habang sumasayaw sa hangin ang buhok ko. Kunwari ay mayroong humahabol sa akin habang nakangiti ako tuwing haharap ako sa camera. Patuloy lang ako sa pagngiti hanggang sa mapansin ko mula sa dami ng tao na nanood din pala si Allain. Seryoso siyang nakatingin sa akin kaya hindi ko namalayan ang batong naapakan ko na pala.

Dahil sa sakit ay napalugmok ako sa buhangin. "Shit!" Mula sa di kalayuan ay nakita ko si Allain na humahangos palapit sa akin. Medyo namilipit ako sa sakit. Hindi maganda ang pagkaka-apak ko sa bato dahil sa pwersang naramdaman ko.

"Call a doctor now! Shit!" Napakunot ang noo ko dahil sa pagkataranta ni Allain, nanlaki ang mga mata ko nang makitang may umagos na dugo mula sa paa ko. "Damn it!" Hindi agad ako naka-react. I hate blood!

Napapikit ako sa takot. I have this fear on blood kaya hindi ako makatingin ng diretso sa paa ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-angat ako sa mula sa buhangin. Medyo kumikirot din ang paa ko.

"You should be careful next time!" Singhal niya sa akin nang makarating kami sa kwarto ko at matapos akong malapatan ng first aid ang paa ko.

Masyado lang talagang nagiging OA si Allain dahil ayon sa doctor ay hindi naman ito gaanong malalim.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon