" Cassssssssssssss! Emergency! " sigaw nya agad pagkasagot ko. Just as I thought. Ugh! Somehow, bigla ako kinabahan sa tono nya.
" Spill it Lyks. "
" Im sorry for this Cass but please, please, please do me a favor. I badly need you today Cassy! " she said in her kindest and most pleading tone. Haynaku ah! Kinakabahan talaga ako sa favor nyang to! Bihira tong humingi ng favor pero yung tipong wala ako choice kundi gawin at nalalagay talaga ako sa alanganin.
" Spill it first then pag-isipan ko. Alam mo namang nasa school ako Lyks! " kunwaring nagtataray kong sagot. But deep inside Im praying na sana madali lang papagawa nya. I can never say no to her. Di pa ako nanalo sa isang Lyka Mendez. Laging may baong bala yan just in case na di ako pumayag.
" I badly need you to perform today Cass. Just two or three songs. Special guest kalang naman eh. This is for my, well, uhm, g-guy friend. Nagkaproblema kase sya sa artist na nakuha nila for their event. For some reason, hindi na makakarating ito. He badly needs a great performer tonight. Please Cass, pagbigyan mo na ako, I promise you, I will grant you any one request basta gawin mo lang to. Ako malalagay sa alanganin eh pag di kita napakanta tonight. " kumunot naman noo ko sa huli nyang sinabi.
" malalagay sa alanganin? Why? At saka who's this guy friend? I didn't know you have one. " nang iinis ko pang sagot sa kanya. Well im just telling the truth. Sa tagal naming magkasama ni Lyka, wala pa syang naipakilalang kaibigang lalaki sa akin. Malapit ko na ngang akalaing lesbian to eh.
" Haist! Basta mahabang kwento. Promise to tell you after this. So paano, payag ka na ha?"
" Fine. Where and what time? " pumayag na din ako agad dahil alam ko namang di nya ako titigilan. Besides, she's my friend. Sa dami ng naitulong at sakripisyo nya saken, maliit na bagay lang ang ganitong hiling nya saken. Nagpa-hard to get lang talaga ako kanina para banggitin nya yung pinakakaasam asam kong salita na manggagaling sa kanya. Yung " I will grant you any one request". Ayos! Hihi!
" Tonight. 7pm. At a certain prestigious University in Manila. " tila bigla akong kinutuban sa sinabi nya. I shooked my head. Hello! Ang dami kayang university sa Manila. Hindi naman siguro itong University namin ang sinasabi nya.
" W-what University Lyks? "
" Brenton University. So paano Cass? Gotta hang up now. Dami ko pang arrangements na gagawin. Oh and one more thing. Do your own make up. Di ako makakapunta dyan agad ngayon dahil dami ko pa aasikasuhin dahil sa urgency nitong appearance mong ito. But I will make sure na nandyan ako maya. I will bring the team with me. Pinakamahalaga pa din safety mo. Bye Cassy! I love you! " then she hangs up. As in agad agad! Alam nya kasing magpoprotesta ako dahil sa mismong school ko ako kakanta! Lagot na! Buti sana kung sa ibang lugar pero hindi eh! Dito mismo sa school namin! And what's worst is she can't do my make up! Baka may makakilala agad sa akin pag ako ang nagmake up sa sarili ko. Well, may alam naman ako sa pagmemakeup dahil tinuruan nya ako in case of emergencies like this, pero kahit na nga! The main problem is dito mismo sa school namin ako magpeperform. Everything should be perfect para di ako mabuko. Ugh! Gusto ko sabunutan si Lyka ngayon na as in!
I looked at my watch at nanlaki lang mata kong ng makita ko ang oras. 5:30 pm na! saglit na oras na lang for preparation. I should be fixing myself right now. Nagpalinga linga ako sa paligid. Mukhang wala na akong choice kundi dito na sa restroom ng court magbihis. Good thing I have my back pack with me. Lagi akong may dalang set ng damit, make up and wig dito. Dahil nga di namin alam kalian magkakaroon ng emergency like this.
Dahan dahan akong pumasok sa court. Sumilip silip kung may tao. Nakahinga naman ako maluwag dahil walang katao tao. Busy kase lahat sa mga booths. May sarili din kasing booth ang mga varsities eh.
Maingat pa din akong naglakad papuntang men's restroom. Kung may choice lang talaga ako di ako dito magbibihis. Isa lang kase restroom meron dito at panglalaki pa! mga selfish talaga! Porke ba sila lang may karapatang gumamit ng court na to, di na talaga nagpalagay ng girl's CR! Kung di lang malayo ang susunod na building from here, doon ako magbibihis talaga. Eh kaya lang gahol na din ako sa oras, saka mabuti na din to, walang tao, di ako magwoworry na may makakita sa akin.
Inuna ko munang magbihis para derecho alis na ako pagkatapos kong mag make-up. Im wearing a full black body hugging dress na umabot lang hanggang kalahati ng hita ko. kaya kitang kita how good looking and long legged my legs are. Tinernuhan ko ito ng black boots. Simple but it rocks. Then isinunod kong isuot ang pinakaimportante sa lahat, my lovely wig. Kailangan lang nito ng tamang make up. doon ako maglalaan ng oras. Dahil hindi birong make up ang ginagawa ni Lyks saken. For me to look different. Yes, nagagawa ko sya minsan, pero mas matagal talaga pag ako lang ang magme-make up.
After one hour ng pag-aayos, saka lang ako nasatisfied sa make up ko. Medyo malapit naman sya sa itsura ko palagi pag si Lyka ang nagme-make up. Yun nga lang, 6:30 pm na, thirty minutes na lang, start na yung program. Mabuti nalang din talaga at dito mismo sa school ang venue dahil kung hindi kulang na kulang ang oras na inilaan sa akin ni Lyks para mag-bihis at mag ayos! Nakuuuuuu! Kung hindi ko lang talaga mahal yung manager kong yun! Lagot saken yun! Tatawagan ko nalang sya pagkalabas ko sa building na to, para masundo nya ako dito. Di ako pwede basta maglakad sa labas, baka pagkaguluhan ako.
I did my last check on the mirror before I finally decided to get out of this male restroom. Actually, kanina pa ako di komportable dito. Kung may iba lang talaga ako choice. Haist.
I almost screamed when suddenly a big arm gets on my way. Napakapit ako sa dibdib ko dahil feeling ko nalaglag puso ko sa sobrang gulat! Di pa man din ako nakakahuma sa gulat ko ng may humarang muling braso sa kabilang side ko. In short, na-trap ako sa braso ng kung sino mang damuho itong humarang sa akin.
I am about to yell at him, yes, HIM talaga kase for sure lalaki tong walanghiyang to! Ang laki ba naman ng kamay at braso eh, ma-muscle pa! So with a very pissed look, tiningala ko sya to yell straight to his face why he did that to me, only to be more surprised or should I say shocked? When I finally recognize who it was.
" I-Ikaw?! " I asked surprisingly, but deep inside, sobrang kinakabahan na ako. I don't like the amused and playful look on his face. Nakita nya ba ang lahat?
" Hi there Nerdy, or should I say, the great superstar Avic Monteza? "
I think my body became more stiffed as he said my screen name. Nalintikan na, its confirmed na alam na nya kung sino ako! Oh good Lord, why does it has to be this jerk and annoying Renz Anderson, of all people!
But what's irritating me most is myself! I don't know why am I not doing anything to defend myself. I hate the fact that my mind is more occupied by the thought that he is TOO near to me! That I am locked up between his strong arms. And that his deep gaze never leaves my eyes and his near face made me almost think that Im breathing his breath literally. And lastly, i cant think straight because he is topless while towering over me wearing nothing but his wet towel coz it seems like he just finished taking a shower!
Oh God. Please keep my mind sane enough for me to get out of this hell. Or should I say heaven?
Ugh. Really Cassidy Victoria Moore? You're doomed.
_______________________________________
Author's Note :)
Hi Nerdies! Sorry na if natagalan ang update. Sobrang busy lang sa work.
Thanks sa mga sumusuporta na saken sa istorya kong to kahit bago pa lang.
Well I hope, you enjoyed reading this chappy.
Votes and comments pls!
Mwah!
LouAdrie
YOU ARE READING
I'm A Nerd AND I'm Famous!
Teen FictionCassidy Victoria Moore (Irene of Red Velvet) An eighteen year old college girl living an upside down yet normal nerdy life, & at the same time, a fabulous & successful celebrity life?! How possible it can be, right?! Well, believe it or not, Cassi...
Chapter 3 : Busted
Start from the beginning
