CHAPTER 25 -- Close Encounter

Magsimula sa umpisa
                                    



          Dinala nya ako sa isang table. Base sa pagkakatanda ko, ang mga nandito sa table na ito ay yung mga kaibigan nya na kasali dun sa pustahan.



          “Mga ‘tol, si Sheri, girlfriend ko.” Ipinakilala nya ako dun sa mga lalaki.



          “Hello,” bati ko sa kanila.



          Medyo nahihiya sila sa akin kasi nga pinagpustahan nila ako dati. Mga kumag na ‘to!



          “Kumain ka na ba?” Tanong nung naka-long sleeves na black.



          “Oo kanina pa. Mag-enjoy kayo, ha,” sabi ko.



          “Thank you. Mukhang swerte sayo si Keizer, ah.” Sabi naman nung naka-blue.



          “Syempre!” Proud na sagot ni Keizer.



          “Gusto nyo bang picturan ko kayo?” Tanong ko.



          “Sige!” Sabay-sabay nilang sagot.



          Sari-saring poses ang ginawa nila. Nakakatawa.



          “Oy, Keizer, masaya ako para sayo. Pero para kay Sheri nalulungkot ako,” sabi ni Tina nang lumapit sya dito sa table ng mga kaibigan ni Keizer.



          “Bakit ka nalulungkot para sa akin?” Nagtatakang tanong ko.



          “Kasi sa kanya ka napunta. Eh si Keizer, ang swerte-swerte sayo, tapos ikaw malas ka dyan!” Natatawang sabi ni Tina.



          Nagtawanan kaming lahat.



          “Joke lang yun, ah. Baka seryosohin mo,” sabi ni Tina kay Keizer habang tumatawa pa din kami.



          “Alam ko namang wala kang bilib sa ‘kin, eh.” Natatawang sagot ni Keizer.



          “Hahaha. Buti alam mo! Mag-pose kayong mag-loveteam ng may picture naman kayo,” utos nya sa aming dalawa.



          Pinicturan kami ni Tina.



          May picture kami na magka-akbay at magkayakap at kung anu-ano pa.



Ang kulit-kulit naming lahat pero sobrang masaya ako.



Ang dami nga naming pictures, eh. Mas madami pa yata kesa sa dapat naming picturan. Hahaha!



Iniwan ko muna dun si Keizer kasama yung barkada nya para gawin ang trabaho ko.



I took pictures of everything, yung mga tao, yung buffet, yung stage, yung mga entertainers, yung mga table set-ups at kung ano-ano pa.

When Love Ain't Just EnoughTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon