CHAPTER 23 -- Nakakahilo

Start from the beginning
                                    

          “Hindi ako nagseselos kasi wala akong karapatan.”



          Aysus Sherina! If I know, mamamatay ka na sa sobrang selos!



          “You have all the rights,” sagot nya.



          “Kasi girlfriend mo ‘ko?” Tanong ko.



          “Oo.”



          “Eh bakit, boyfriend ba kita?”



          Hindi sya kaagad nakasagot. Barado, eh.



          Binitawan nya ang kamay ko. Tapos nagpunta sya sa likod ko.



          He hugged me from the back and whispered, “Hindi mo ‘ko boyfriend, but I’m yours. Magselos ka if you want, pero hindi ako mapapagod na i-prove sayo na wala ka namang dapat pagselosan.”



**********



          “Sheri, na-good luck mo na ba ng bongga si Keizer?” Tanong ni Apple.



          “Syempre naman!”



          Ngayong hapon yung pageant tapos mamayang gabi yung CTHM night. Kaya naman hanggang mamayang gabi pa din kami dito.



          Isa ang event na ito sa pinakamahirap i-cover kasi sobrang madaming tao. Puno ang auditorium kasi madami ang students ng CTHM.



          “Guys, paki-ready nung mga batteries nyo ha. Make sure na may mga extra kayo, mahirap mawalan ng battery sa kalagitnaan ng show lalo pa’t magkakaiba tayo ng location,” bilin ko sa mga members namin.



          “Okay!” Sabay-sabay nilang sagot.



          Six kaming photographers, si Ara, Cloe, Lia, Tina, Apple at ako. Malungkot nga si Ate Cindy kasi hindi sya nakasama ngayon, yearly pa naman na sya ang nandun sa event.



          Papunta kami sa auditorium nang makita namin si Kim.



          “Pupunta na ba kayo dun?” Tanong nya.





          “Oo,” sagot ni Apple.





          “Pasama ako ha,” sabi nya.



          “Hindi ikaw ang magko-cover?” Tanong ni Tina.



          “Friend, sports ang madalas kong i-cover,” paalala ni Kim kay Tina.



When Love Ain't Just EnoughWhere stories live. Discover now