“Ang laki na nya tapos hindi pa sya marunong mag-commute mag-isa?” Nakakapagtaka naman yata yun.
Fourth year college ka na tapos di ka marunong mag-commute? Kahit sasakay sa taxi, hindi nya kaya?
“Well, she tricked me. Sinabi sa akin ni Tina kanina na nakita nyang sumakay si Angela sa jeep before ng mag-isa.”
“To be honest, hindi ko alam kung anong sasabihin ko sayo.” Nawala ang inis ko kay Keizer, napunta lahat dun kay Angela! Intrimitida!
“I’m sorry. Nasaktan na naman kita.”
“Kaya nga ayokong mag-promise ka di ba? Kasi hindi naman yun maiiwasan.”
“Yeah, I know.” He held my hand and pulled me closer to him. “Don’t do this again,” bilin nya.
“At talagang sa akin mo sinabi yun. Try mong sabihin yun sa sarili mo!”
“What I mean is, wag ka ng magtatago ulit sa akin. Nakaka-praning yun.”
“Hindi ako nagtatago sayo ‘no! Feel ko lang talagang pumunta dito ngayon kasi maaraw masarap mag-picture.”
“Kung hindi ka nagtatago, bakit si Kim lang ang may alam na nandito ka?”
“Kung nagtatago ako, kahit si Kim hindi malalaman kung nasaan ako.” Alam din ‘to ni Apple ‘no!
“Basta. Don’t do this again. Gusto ko alam ko kung nasaan ka. It makes me anxious.”
“Kasalanan mo naman din kung bakit ako nagpunta dito.”
“Alam ko naman yun. Atska ikaw ang nagsabi sa akin na mag-uusap tayo ngayon,” paalala nya.
“Oo na. Kinakausap naman kita, ah.”
“One more thing, please tell me what you feel. Sabihin mo sa akin kung nagseselos ka, nagagalit ka, naiinis ka o kung gusto mo akong sapakin at sampalin.”
“Bakit pa?”
“Kasi magaling kang magtago ng feelings mo. Ang hirap malaman kung ano bang tumatakbo sa isip mo at kung ano bang nararamdaman mo.”
“Tumatawa naman ako kapag masaya ako, sumisimangot ako kapag naiinis ako at umiiyak ako kapag malungkot ako ng sobra. Mahirap pa bang malaman yung feelings ko?”
“So tumatawa ka at ngumingiti kapag nagseselos ka? Ganun ba yun?”
YOU ARE READING
When Love Ain't Just Enough
Teen Fictionsapat na nga ba ang mga salitang "MAHAL KITA" para gumana at maging successful ang isang relasyon? ano nga ba ang mga kailangan para magkaroon ng isang magandang relationship? malay ko, never pa naman akong nakipagrelasyon eh, gusto ko din ngang mal...
CHAPTER 23 -- Nakakahilo
Start from the beginning