Chapter 77: Silent Night

2.5K 46 6
                                    

V's POV

"may kilala po ba kayo na pwedeng gumawa neto?" Tanong ng isang pulis.

Ano ba ang nangyayari? Walang pumapasok sa isip ko eh. Parang nagshutdown lahat ng senses ko at ang tanging nasa isip ko lang ay ang anak ko.

God plese.. help my child..

"Si---"

Napatingin ako kay Bryan ng magtangka siyang magsalita. Nakita kong nakahawak si Clyde sa balikat ni Bryan na para bang sinasabing 'wag mong sabihin...'

Seriously?! Bakit ba ayaw pa nilang sabihin?! Ano ba ang mga problema nila?! My child is in danger at ang tanging makakatulong saamin ngayon ay ang mga pulis!! At paano kami matutulungan kung wala kaming sasabihin?!

Narinig kong napabuntong hininga si Bryan sabay sabing "wala po..."

Nagtaka naman ang pulis dahil sa sinabi ni Bryan pero hindi na lang nagsalita.

Napabuntong hininga ako at lumabas ng bahay. Nasusuffocate ako sa loob!! Mas lalo lang akong kinakabahan!

May nadaanan akong ilang pulis habang palabas ako. Some are finding clues at ang iba naman ay inaasikaso si yaya dahil wala pang umaabot na ambulansya.

Naupo ako sa bench na nasa mini garden and started to sob.

Bakit ko ba kasi iniwan si Sef dito?! Ang pabaya ko bang ina?! Sana pala isinama na lang namin siya ni Bryan!! God! Please Im begging you! Ang bata pa ni Sef.

"V?"

Napatingin ako sa tumawag saakin. Nakita ko si Bria na nakatayo sa harap ko at may maliit na ngiti na parang sinasabing 'magiging okay rin ang lahat...'

Napahagulhol ako dahil dun.. nothing's okay Bria!! Paano mo yan nasasabi?!

Umupo siya sa tabi ko at hinagod hagod ang likod ko, shes trying to comfort me. Ganyan naman talaga si Bria eh, palaging nangongomfort!

Gusto kong kumalma pero hindi ko magawa!! Dahil wala ang anak ko!! Nawawala ang anak ko!!

"Bria... si Sef.." hagulhol ko habang walang tigil sa pagagos ang luha ko.

"Shhhh. Tahan na V.. mahahanap rin natin si Sef same with Geniev and Lei..."

I hope so Bria!! dahil hindi ko alam ang gagawin ko kapag may mangyaring masama sa anak ko!

Not Sef please...

*blaaaaaggg*

Napatingin kami sa gate ng bigla itong kumalabog. Nangunot ang noo ko ng makita si James na humahangos na nagtatatakbo papasok sa bahay namin.

"Anong nangyari dun?" Nakakunot na tanong ni Bria.

"Hindi ko alam. Mabuti pang pumasok na tayo." Sabi ko habang pinupunasan ang luha ko. Tumayo na kami at sabay na naglakad papasok ng bahay.

Naabutan namin dun si James na halos magwala na. Pinapakalma siya ng mga kagrupo niya. Sinasabunutan niya ang sarili niya na para bang frustrate na frustrate siya. Ng tumingala siya ay dun ko nakita ang mukha niya.

Nawala ang cold and blank na facial expression niya. Napalitan yun ng pagaalala. Ng sobrang pagaalala.

Anong nangyayari sakanya? May nangyari ba?

"Leader kalma lang.." sabi ni Clifford habang hinahawakan sa braso si James.

Napaupo si James sa single sofa habang nakasabunot parin sa buhok niya. Nagpaalam na muna yung pulis na kausap ni Bryan para raw maghanap pa ng ibang information sa bahay.

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now