Special Chapter #1

3.5K 39 2
                                    

Austin Jin

Pagkatapos naming pumunta sa presinto ay agad akong dumiretso sa hospital. Kasama ko si Namjoon habang yung iba naman ay sumama na sa ospital.

Nagaalala ako para sa kaibigan ko at pati na rin kay Geniev. Inatake siya ng asthma at halos hindi na siya makahinga! Sabi nina Brianna, kinailangan daw ni Geniev ng nebulizer para makahinga siya ng maayos!

Tigas kasi ng ulo eh! Hindi na lang nakinig sa mga kaibigan niya.

"Kamusta?" I asked ng makita ko na sila. Mga namumugto ang mga mata nila at parang mga pinagsakluban ng langit at lupa.

"Nasa loob pa si Taehyung, sabi ng doctor maraming dugo raw ang nawala sakanya kaya kailangan nating humanap ng donor." Sagot ni Jimin. I cussed, shit! Mukhang mahihirapan kami neto. Rare ang dugo ni Taehyung. Hindi naman pwedeng magdonate ang mga magulang niya dahil may mga karamdaman ang mga ito. So paano na to?!

"Si Geniev?" I asked again and looked at Lyka.

"Halika samahan kita." She said na siyang tinanguan ko lang. Tumayo na siya at naglakad habang ako ay nakasunod lang sakanya.

Habang naglalakad ay hindi ko maiwasan na isipin ang mga nangyari. Patay na si Sanghyun. Pinatay siya ni Ping at ngayon ay nasa presinto pa rin si Ping at kinakausap ng mga pulis. Wala kaming balak na sampahan siya ng kaso dahil tinulungan niya kami, siya pa mismo ang tumapos sa lahat ng kasamaan ng ama niya. Hindi na namin siya sinampahan ng kaso dahil alam naming baka madepress lang siya. Kahit na sabihin nating saksakan ng sama si Sanghyun, hindi pa rin maipagkakaila na ama niya ito. And the thought that he killed his own father hurts.

"Dito.." Binuksan ni Lyka ang isang pinto tsaka pumasok. I heaved out a sigh bago pumasok and there I saw her. Lying on the hospital bed. May oxygen at nakapikit.

"Hello tita, tito." Bati ni Lyka sa mga magulang ni Geniev. Ngumiti ang mga ito bago ako binalingan ng tingin. Kilala na nila ako at alam din nila na nililigawan ko ang anak nila. Pero hindi ko maiwasan na kabahan, lalo na't nakakaintimidate sila. Especially Geniev's dad.

"Good evening po," bati ko and bowed a little. Mrs. Acora smiled at me habang si Mr. Acora naman ay nakatingin lang saakin ng seryoso. *gulp*

"Buti naman at okay ka lang iho, magwawala si Geniev kapag nalaman niyang may nangyari sayo eh." Mrs. Acora said than laughed afterwards. Natawa rin ako pero hindi ako gumalaw. Kinakabahan talaga ako eh.

"Labas lang po ako tita." Pagpapaalam ni Lyka na siyang tinanguan lang ni Mrs. Acora.

Shit! Pwedeng dito ka lang muna Lyka? ><

Lumabas na si Lyka kaya naiwan ako with Mr. Acora and Mrs. Acora, together with my sleeping love ofcourse.

"Halika dito Austin, Im sure my daughter will be happy if she'll feel your prescence." Mrs. Acora said, smiling. I smiled too sabay lakad palapit sakanya. Ramdam ko ang titig saakin ni Mr. Acora and swear! Nanginginig ang tuhod ko dahil dun!

"Ilang buwan ka na ngang nanliligaw sa anak ko?" Mrs. Acora asked ng makaupo ako sa tabi niya.

"Isang taon na po," I answered politely. She looked at me in disbelief kaya I smiled at her. "Seryoso? Wow! Pakipot pala tong anak ko." Saad niya and chuckled. Natawa rin ako.

"Mabuti na yun Lora." I froze ng marinig ko ang boses ni Mr. Acora. Shit! Katakot >< "Dun napapatunayan kung talagang seryoso siya sa anak nati." Dugtong pa niya. Ayoko sanang tingnan siya pero napakawalang modo ko naman kung ganun kaya in the end, I looked at him. Seryosong seryoso ang mukha niya. Yet, makikita mo sa aura niya ang isang ama.

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now