Chapter 20: Love?

3.8K 128 8
                                    

Third Person's POV

"Bakit ka ba kasi sumama sakanila?" Kalmadong tanong ni James sa kumakaing si Lyka ..

Hindi man halata pero labis labis siyang nagalala ng makita ang kalagayan ng babae kanina habang inaapi .. gustong gusto na niyang pagsusuntukin ang mga babaeng yun dahil sinaktan nila ang babaeng gusto niya pero pinigilan niya dahil alam niyang masisira -hindi lang ang image niya- kundi ang image ng grupo niya at ang pangalan ng Manager nila .. at ayaw niya yung mangyari .. maraming pagod at hirap ang ginugul nila para lang umangat ang grupo nila .. kaya hanggat kaya niya ay magpipigil siya ..

"Eh sa nacurious ako.. tsaka wala naman ako kaidea idea na gaganunin ako nila eh .." sabi ng dalaga .. napailing iling naman si James habang kung ano anong inisip ..

Na kesyo kakaibang babae talaga si Lyka .. na kesyo natinaguriang top 3 ng AU ay hindi man lang nagkaroon ng konting hint na gaganunin siya nung mga babae ..

"Ang uto uto mo naman .." bulong ni James pero narinig iyon ng dalaga kaya agad na nagreact ang huli ..

"Hindi ah! Makauto uto ka jan .." singhal niya ..

James chuckled at parang nastartruck naman si Lyka sa ginawa neto ..

First time kasi niyang makitang tumawa si James .. at hindi niya alam kung bat nagkakaganito si James ngayon .. na bakit ang bait bait at hindi siya inaasar at sinisinghalan ni James..

Si James naman ay natutuwa sa scene nila ngayon.. natutuwa siya dahil nakakasama niya at nakakausap ng maayos si Lyka .. si Lyka na palagi siyang tinatarayan at sinusungitan kapag iniimis niya ito .. si Lyka na matalino at masipag .. si Lyka na gusto niya ..

Oo!! Gusto pa lang! wala naman kasi siyang pagkakaalam sa love love na yan eh!! Nageexist pa daw ba yan?

Naalala niya tuloy yung time na sinundan niya si Lyka .. nalaman niya na mahirap lang pala ang dalaga at sa eskwater ito nakatira .. nung una ay awang awa siya sa dalaga dahil bukod sa hindi niya alam na ganto ang buhay niya ay inaaasar niya pa ito .. pero di kalaunan ay nabilib siya sa ginagawa ng dalaga .. kaya naman pala ang sipag sipag neto sa pagaaral dahil sa nararanasan netong kahirapan ngayon ..

Dahil dun ay mas nahulog ang loob niya kay Lyka .. Hindi niya nga akalain na pwede pala siyang mahulog sa isang babae .. all his life ay wala siyang minahal na babae .. dahil bata pa lang siya iniwan sila ng ina niya .. kaya ang tingin niya sa mga babae ay mga nangiiwan at mga mangloloko .. kaya hinding hindi niya binuksan ang puso niya para sa isang babae ..

Not until Lyka came ..

Una niyang nakita ito ay nung awardings nung 1st year college sila .. tinagurian siyang top 1 at si Lyka naman ay top 3 .. nakita niya ang tuwa sa mga mata at labi ni Lyka ng matanggap nito ang medal at certificate .. na as if ay isang ginto iyon na dapat katuwaan kapag nakuha ..

Naweirduhan siya dun pero binalewala na lang niya ...

Hanggang sa nabuo ang Fire Five .. palagi niyang nakikita si Lyka kapag nagmemeeting sila at sa mga minsanan na yun ay hindi niya maiwasang humanga kay Lyka .. palagi kasi siyang nananalo sa mga competition na sinasalihan neto at napakabait pa niya ..

Hindi naging maganda ang unang paguusap nila kasi hindi niya ito pinansin .. yun lang naman kasi ang alam niyang gawin pagdating sa mga babae eh .. ang hindi mamansin!!

"Alam mo .. hindi ko ineexpect ang pagtulong mo saakin kanina .. siguro nananaginip ako.." sabi ni Lyka habang sinapak sapak ang sarili niya pero pinagsisihan lang naman niya yun dahil sumakit yung sugat niya ..

"Alam mo .. palagi mong pinapairal ang katangahan mo!" Singhal naman nI James na kinainis naman ni Lyka kaya inirapan niya ito ...

Natawa na naman si James kaya hindi na naman naiwasang mamangha ni Lyka ..

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now