Chapter 49: Stranger

2.7K 51 3
                                    

Bryan's POV

Napapabuntong hininga na lang ako kapag iniisip ko yung paguusap namin ng kapatid ko kahapon .. hindi ko akalain na ..

*sigh*

Ang hirap iprocess sa utak!!

Hay ang pagibig talaga!! Nakakagago!!

Isinabit ko sa batok ko yung white na face towel habang pababa sa hagdan ..

Alam niyo sa totoo lang .. gustong gusto kong sabunutan yung kapatid ko dahil sa nadatnan ko sa condo niya kahapon eh!!

Aba!! Kayakapan ba naman yung gago niyang ex?! Nagiiyakan pa at nagpapatawaran!! Tsk na lang nho!!

Hay! Kung hindi ko lang yun mahal eh ..

"Oh? Pandak .. bat ngayon ka lang?" nakakunot noong tanong ko sa kakadating lang na si Jimin ..

Naguguluhan din ako dahil parang kakagising pa lang neto .. magulo ang buhok.. bukas ang tatlong butones ng suot niyang polo at gusot gusot pa ito ..

Huh? Seriously? Nakipagrumble ba tong si pandak?!

Mukhang nagulat siya ng mapatingin siya saakin .. yung parang kinakabahan na pagkagulat ba? Ay ewan!!

Hmmm .. parang may something dito sa taong to!! Parang may ginawa siyang kasalanan!!

"H-Hyung .. m-may pinuntahan lang akong importanteng ano .. kaya naumagahan na ako ng uwi .. tama! Yun yun .." saad neto na halata namang nagsisinungaling ..

Dude!! Mahirap lokohin ang kabayo -___-

"Wag mo nga akong lokohin pandak!" Singhal ko at lumapit sakanya .. tiningnan ko siya na parang ineinspeksyon .. "may ginawa kang kasalanan nho?"

"Huh?! Wala!! Wala Hyung!! May pinuntahan lang talaga ako!"

Defensive much?!

"Sige Hyung! Akyat na ako!" Dugtong pa niya at mabilis na kumaripas ng takbo pataas.

Nagtatakang sinundan ko lang siya ng tingin habang halos magkanda dapa dapa na kakamadali!

Anyare dun?! Haist! May ksalanan talaga yun kaya ganun!! Nyahahaha!! Lagot na naman yun kay Manager kapag nagkataon!

Nagkibit balikat na lang ako at sinuot na yung earphones at lumabas na ng bahay ..

Bahala na nga siya! Bahala na nga sila kung anong problema nila! basta ako?! Magjojogging!!

Ng makalabas ako ng gate ay tumakbo na ako ng dahan dahan .. lilibutin ko lang naman tong subdivision eh .. maaga pa naman kaya wala masyadong tao ..

Kailangan ko to dahil napapabayaan ko na ang katawan ko dahil sa practices and interviews namin araw araw!! Nakakastress rin yun alam niyo?! Yung halos wala ka ng exercise at tulog!!

Nagstop ako sa isang side dahil naramdaman ko ang pagod .. tumatagaktak na rin ang pawis ko .. whoow!! Parang naboost yung energy ko dahil sa pagjogging!! Sarap talagang magexercise ^_^ ..

I stretched my body .. I badly need this ..

I was in the middle of stretching ng bigla akong natigilan dahil may napansin akong babae na nakaupo sa side walk ilang metro lang saakin ..

Bata .. isang batang babae na nakapangalumbaba at nakatingin lang sa kawalan .. ay!! Hindi pala kawalan kasi pinagmamasdan niya yung lalaki na kalaro yung batang babae -magama- hindi kalayuan saakanya ..

Para bang naiinggit siya?

Out of curiousity ay nilapitan ko siya ..

Malakas hatak saakin nung bata eh .. bakit kaya?

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now