Special Chapter #3

2.6K 42 1
                                    

Bryan Hoseok

Humihikab akong pumasok sa bahay nina Vanessa. Inaantok na ako -__-, kakatapos lang ng meeting namin with the CEO. We just settled and decided things at tinanggap naman yun ng CEO. Im glad.

Nangunot ang noo ko ng maabutan kong madilim ang sala. Napatingin ako sa wall clock na nakasabit at napailing iling ng mapagtantong alas nuebe na pala ng gabi. Hayz.. Napahaba pala yung meeting namin. Good thing is marunong maglock ng pinto si Vanessa. Kundi baka pinasok na sila dito. Nangangamba ako kasi wala pa akong nahahanap na bagong katulong nila. Yung yaya kasi ni Sef, namatay. Hindi na kayanan.

I sighed and yawned again. Paniguradong tulog na yung dalawa. Better check on them.

Naglakad na ako papunta sa kwarto nila. Hanggat wala pa silang katulong, dito muna ako natutulog to keep them safe.

"Gising ka pa?" Nakakunot na tanong ko kay Vanessa ng madatnan ko siyang mulat na mulat pa. She looked at me and smiled. "Nandyan ka na pala." She said at bumangon.

I closed the door and walked towards her. Nakasandal siya sa headrest ng kama habang natutulog naman si Sef sa tabi niya. "Bakit gising ka pa? Gabi na ah." I said as I look at the wall clock.

"Hinihintay kasi kita." She answered and smiled. I looked at her with my 'oh?' Look and shrugg.

"Shower lang ako." Pagpapaalam ko na tinanguan niya lang. I sighed and went inside the bathroom.

2 weeks na ang nakakalipas simula ng nangyari ang traumatic experience na yun. Pero hanggang ngayon hindi ko pa nakakausap ng maayos si Vanessa. I want to hear her side. Kung bakit niya nagawa yun. Kasi handa na akong patawarin siya eh. Mahal ko siya, at may anak na kami. Ayoko namang lumaki ang anak namin na may broken family. As much as possible, gusto kong maranasan niya ang naranasan namin ni Yuri kay mommy at dad. Pinuno nila kami ng pagmamahal kaya sobra sobra rin kami kung magmahal. An example of that is Ford and Yuri, kahit na nasaktan ni Ford ang kapatid ko noon, mahal na mahal pa rin siya neto. Another example is us, Vanessa and I.

Akala ko hindi ko na siya mahal. Akala ko galit na lang ang nararamdaman ko sakanya. Ang tagal niyang nawala. Sinaktan niya ako. She made me think that she's a whore. Pinagpalit niya ako. Kung nasaktan si Yuri sa ginawa ni Ford, pwes mas nasaktan ako dahil sa ginawa ni Vanessa. Walang wala yun sa ginawa ni Ford eh. Iniwan lang ni Ford ang kapatid ko dahil ayaw niyang magulo ang buhay neto. I understand that. Acceptable reason naman. Eh si Vanessa? Hindi ko alam. That's why I want to hear her explanation. I want to hear her side because I love her. Napagtanto ko rin na kaya galit ako sakanya hanggang ngayon ay dahil nasasaktan pa rin ako. At nasasaktan ako dahil mahal na mahal ko pa siya. I never stop.

Lumabas ako ng banyo na pinupunasan ang buhok gamit ang isang maliit na towel. Nadatnan ko siyang ganun pa rin ang posisyon. Nakasandal sa headrest, yun nga lang may binabasa na siya ngayon.

She looked at me ng makita niyang lumabas na ako and smiled at me. I just smiled too at naglakad papunta sa gilid ng kama opposite to her.

"Hindi ka pa ba matutulog?" Tanong ko sakanya ng makitang nakatingin lang siya saakin. She shooked her head and just stared at me. Okay? What's wrong with her?

Naupo ako sa kama and rested my back at the headrest. Ipinasok ko ang mga paa ko sa kumot kaya pareho na kaming estado ngayon. We we're both silent. I cant say its awkward. Siguro konti lang?

I looked at her. Hindi na siya nakatingin saakin. Nakatingin lang siya sa unahan niya na para bang may malalim na iniisip. Tiningnan ko saglit si Sef na mahimbing na natutulog bago ko napagdesisyunan na magsalita.

My DreamBoy BestfriendOù les histoires vivent. Découvrez maintenant