Chapter 45: Mystery Guy

3.2K 55 0
                                    

Taehyung's POV

"Clifford?! Bakit ngayon ka lang?!" Narinig kong sigaw ni Jin Hyung habang pababa ako ng hagdan ..

Nandiyan na si Hyung? Kahapon kasi wala siya eh!! Di naman namin siya macontact kasi nakaoff yung cellphone niya!! galit na galit nga si Manager eh at nagaalala rin siya dahil baka napano daw si Hyung ..

"Nagkasakit kasi ako kahapon  .." sagot neto at umupo sa sofa namin ..

Sinandal niya ang ulo niya dun at ipinikit ang mata niya ..

Bakit parang may problema si Hyung? May nangyari ba?

"Okay ka lang ba Hyung?" Tanong ko sakanya ..

Limapit kami sakanya at pinalibutan namin siya ..

Minulat niya ang mata niya at nanatiling nakatingin sa ceiling ..

Parang wala siyang narinig ah? Parang ang lalim lalim ng iniisip niya ..

"Mukhang may problema si Hyung .." bulong saakin ni Jimin ..

"Oo alam ko! Nakikita ko yun!" Singhal ko naman pero mahina lang ..

Tiningnan ko ulit si Hyung at nagulat ako dahil may pumatak na luha sa mata niya ..

Hala! Mukhang may mabigat na problema talaga si Yoongi Hyung! Hindi naman siya iiyak kung hindi talaga yun mabigat eh!!

Akmang lalapitan ko sana siya pero pinigilan ako ni Jin Hyung kaya tumingin ako sakanya ..

"Pabayaan mo na muna siya .." bulong niya saakin ..

Hindi ko na tinuloy yung paglapit ko kay Hyung dahil naiintindihan ko si Jin Hyung .. gusto siguro munang mapagisa ni Yoongi Hyung..

"Mabuti pa umalis na tayo .. paniguradong hinihintay na tayo ni Manager.." sabi pa niya ..

Nagsisangayon naman na kami at isa isang lumabas ng bahay .. sumunod naman na si Yoongi Hyung pero halata mong lutang siya ..

Nakakaawa ang itsura niya ngayon .. para siyang pinagsakluban ng langit at lupa .. ano kayang nangyari? Sorry!! Chismoso ako eh!!

"Wala na bang nakalimutan?" Tanong ni Hoseok Hyung habang tinitingnan yung gAmit sa loob ng danger Van ..

Tiningnan ko naman sila isa isa kung may sasabihin sila pero napatigil ako ng may mapagtanto ako ..

"Wala tayong nakalimutan Hyung .. pero may nawawala .." sabi ko naman na kinakunot noo nila ..

Aish!! Wala na naman siya!! Paniguradong malilintikan na naman siya kay Manager mamaya ><!!

"Si Namjoon Hyung .."

***************

Lyka's POV

*toktoktok*

"Sandali lang!" Sigaw ko habang humihikab ..

Ano ba yan? -____- inaantok pa ako eh!! Sabadong sabado may umiistorbo saakin!!

Binuksan ko yung pintuan habang kinukusot kusot ang mata ko ..

Ang gulo gulo pa ng buhok ko!! Hindi pa ako nagmumumog!! Haist!! Ang aga naman kasi netong lalaking to eh!! Magmula nung lumipat kami dito sa condo niya .. palagi na lang siya pumupunta dito ng maaga!!

Oo!! Dito niya kami dinala sa condo niya!! Bait niya nho? Haha !!

"Tulog ka pa?" Bungad niya saakin nung mabuksan ko yung pintuan ..

"Obvious ba?" Singhal ko naman sakanya ..

Pumasok siya sa loob at dumiretso sa kusina ..

Aish!! Inaantok pa talaga ako=___= ..

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now