Chapter 58: Pain

2.7K 49 1
                                    

Lei's POV

Lumipas ang mga araw at linggo na bihasa kami sa kakapractice para sa upcoming Christmas Ball ..

Kakapagod nga eh .. alam niyo yun? Yung dapat nasa bahay ka at nagpapahinga kasi Christmas vacation na .. pero tingnan mo at heto kami at nagpapractice para lang matuwa ang mga dadalo sa Christmas Ball ..

*sigh*

Ganto pala ang nafefeel nina TaeTae.. yung imbes na kasama mo ang pamilya mo ngayon dahil Christmas Vacation na .. nagpapakasasa ka sa pagpapakapagod mapasaya lang ang mga tao ..

"Okay ka lang Lei?" Tanong saakin ni V habang papalapit siya saakin ..

Nandito si V kasi siya ang bagong recruit ng Dance Club .. mas guSto raw kasi niyang sumayaw kaysa mag modelling eh .. tsaka ayaw naman daw niyang kalabanin yung kaibigan niya -si Geniev..

"Okay lang ako .. pagod lang .." sagot ko and smiled at her .. she smiled to at tumingin na lang sa harapan ..

Napansin kong biglang lumungkot yung mukha niya.. alam ko na ang reason .. ako rin naman paminsan nalulungkot parin eh .. lalo nat matagal tagal ko na ring hindi nakakasama yung bestfriend ko ..

"Miss mo na si Bryan?" Tanong ko sakanya .. ngumiti siya ng malungkot pero hindi siya tumitingin saakin ..

"Sobra .."

Hindi ako nagsalita pagkatapos niyang sumagot ..

Alam niyo? Sa mga kaibigan ko .. si V ang masasabi kong masekreto! Hindi kasi siya masyadong nagkekwento saamin .. palagi lang siyang tahimik sa isang gilid at parang lilipad lipad ang isip dahil hindi mo siya magawang kausapin .. parang ang laki laki ng problemang pasan pasan niya .. masaya siya pero mahahalata mo parin sa mukha niya ang lungkot ..

"V .." tawag ko sakanya after a couple of silence .. tumingin naman siya saakin and gave me the 'what?' Look..

"B-Bakit .." nagdadalawang isip ako kung tatanungin ko siya eh .. mukha kasing ayaw niyang iopen up yung topic na to .. pero.. chismosa ako eh ><!!

"Bakit mo niloko si Bryan noon?" Tanong ko .. na siyang dahilan para bumagsak ang mukha niya ..

Napaiwas ako ng tingin sakanya dahil naramdaman ko ang pagiging awkward ng atmosphere ..

Shit Leila! Paminsan prumeno ka naman -___-!! Itong mahirap kapag chismosa ka eh!!

Narinig ko ang pagbuntong hininga niya kaya tiningnan ko siya sa peripheral vission ko .. nakatingin na rin siya sa harapan habang niyayakap ang mga binti niya ..

"Hindi ko naman siya niloko eh .." bulong niya pero enough for me to hear .. nakita ko rin ang isang maliit na ngiti sa labi niya .. a smile full of pain ..

"Ni wala nga sa plano ko ang lokohin siya .. mahal na mahal ko kaya yun .." dugtong niya still in her smile .. this time ay napatingin na ako sakanya dahil sa sinabi niya ..

"Pero bakit mo yun ginawa? Bakit mo siya pinagpalit sa iba?" She chuckled after I ask those .. tumatawa siya pero halata mo namang peke!! Plagak nga kung tawagin!

"Hindi ko siya niloko .. at mas lalong hindi ko siya pinagpalit Lei .. pero may mga bagay talaga na kailangan mong gawin para lang sa taong yun .. mga bagay na kahit ayaw mo ay gagawin para lang maging ligtas siya .. ganun kapag nagmahal Lei .. youll sacrifice everything kahit na masaktan pa kayong dalawa para lang maging okay siya .. "

Medyo naguluhan ako sa sinabi niya .. lalo na yung last part ..

Youll sacrifice everything kahit na masaktan pa silang dalawa? Bakit pa siya magsasacrifice kung masasaktan lang naman silang dalawa?

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now