Chapter 46: Keeping Her Safe

3.2K 54 1
                                    

Lyka's POV

"Bakit ka ba niya iniwan?"

Nagkibit balikat lang ako sa tanong niya at patuloy lang sa pagsunggab sa ice cream ko ..

Kakatapos pa lang namin maglunch at heto ay nagdedessert na kami!! Kabanas eh!! Kaya itutuon ko na lang ang attensyon ko sa pagkain ..

"Girl .. hindi naman halatang nafufrustrate ka talaga nho?"

Tiningnan ko si Geniev habang punong puno ng ice cream yung bibig ko.. nakatingin lang rin siya saakin habang tumatawa tawa ..

Mabuti na lang at nakasalubong ko tong bruha kong kaibigan!! Dahil kung hindi?! Baka hindi ko alam kung saan ko ibubunton ang galit at inis ko sa mokong na yun!!

"Hindi ako frustrated Geniev!! galit na galit ako!!" Sagot ko ng malunok ko yung ice cream at sumunggab ulit ..

I heard her chuckle pero binalewala ko na lang yun .. Matawa siya kung gusto niya!! Basta ako?! Kakain!! grrrr!!

*riiing riiing*

Napatingin ako sakanya ng biglang tumunog yung phone niya ..

Mukhang tumatawag si lover boy ah ..

"Excuse me Ly .. sagutin ko lang to .." sabi niya na tinanguan ko lang ..

sinagot na niya yung phone at lumayo ng kaonti saakin ..

Pinagpatuloy ko naman yung pagkain sa ice cream pero hindi na katulad kanina na sunggab lang ng sunggab!! Nakakahiya naman kung may makakita saakin!! Isipin pa ang takaw ko -___- ..

Nabawasan naman na yung inis ko eh .. wag ko lang talaga maalala yung lalaking yun!!

Naubos ko na yung ice cream ko kaya sumandal ako sa upuan .. busog na busog na ako pero gusto ko pang kumain ng ice cream!! Ang sarap kasi ng ice cream nila dito eh .. kaso wala naman akong sapat na pera para bumili!! Sapat lang tong nasa wallet ko para sa gastusin namin sa pangaraw araw .. mabuti nga at nilibre na ako ni Geniev ng lunch and dessert eh ..

Pinaikot ikot ko na lang yung kutsara sa tasa neto at tinitigan yun ..

Ang tagal naman ni Geniev .. naiinip na ako eh..

Busy ako sa pagtitig sa kutsarang pinapaikot ko sa tasa ng biglang may lumapag ng tasa ng ice cream sa lamesang inoocupy ko ..

Tiningnan ko kung sino yung naglagay and almost cussed ng makilala ko siya ..

Kengene!! Bakit nagpakita pa tong lalaking to?! Kahit na nagiba siya ng suot ay alam kong siya parin yan!!

"Alam kong naglalaway ka na .." saad niya at naupo sa chair na katabi ko ...

"at may lakas ka pa talaga ng loob na magpakita saakin ah!" Singhal ko sakanya pero pabulong lang ..

Hindi niya pinansin yung sinabi ko and just changed the topic ..

He's getting in my nerves =___=*!!

"Kainin mo na to .. later on we will live.."

"Ayoko!" Singhal ko at inilayo saakin yung tasa ng ice cream ..

Oo!! Gustong gusto ko talaga yung ice cream!! Pero hindi ko yun kakainin dahil galing sakanya!! Duh! Over my dead body!!

"Akala ko ba gusto mo neto? Titig na titig ka pa kanina eh .." sabi neto na halatang nangaasar lang .. hindi ko na lang siya pinansin at tinuon na lang ang attensyon sa labas ng restaurant ..

Hanggang hindi niya sinasabi ang dahilan kung bakit niya ako iniwan kanina! Hinding hindi ko siya papansinin!!

Aba!! I deserve an explanation nho!!

My DreamBoy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon