Chapter 64: Unlucky?!!!

2.7K 56 4
                                    

Third Person's POV

Katulad ng sinabi ng misteryosong lalaki .. wala nga ni isa sa pitong lalaki ang nakakuha man lang ng chance na makadate ang mga babaeng gusto nila ..

Badtrip na badtrip sila!! Palagi na lang kasing may hadlang!

Katulad nung dapat ay mamamasyal ang magbestfriend! Bihis na bihis na si Taehyung na nun at ready to go!! Pero nasiraan sila ng sasakyan!! Yung Danger Van biglang sumabog yung engine! Yung kotse niya naflattan ng gulong at hindi niya alam kung bakit wasak na wasak ang mga bintana nun!! Halos isumpa na niya yung taong gumawa nun sa kotse niya! Pinaghirapan niya yun pero tingnan niyo nga at warak warak na!! Plus pa yung thought na mahihirapan siyang umalis kasi nagkanya kanya ng alis yung mga kagrupo niya!! Wala naman masyadong nadaan na taxi o tricycle man lang sa subdivision nila kaya nabadtrip talaga siya! Malayo rin ang main entrance ng subdivision sa bahay nila kaya aabutin siya ng siyam siyam kung maglalakad siya!

Kaya sa huli? Tinawagan na lang niya yung bestfriend niya na noo'y naghihintay na sa labas ng Enchanted Kingdom .. Yes! Hindi natuloy yung Bestfriend Date nila!!

Si Austin naman at ang nililigawan niya ay natuloy pero puro kamalasan na lang ang nangyari!

First!! Nakapila sila sa sinehan para bumili ng ticket .. it was a romantic movie na pareho nilang gusto and god knows kung gaano nila yun kinaaabangan!! But then theres this kid na lumapit kay Geniev at bigla bigla na lang dinikit yung lollipop na hawak neto sa damit niya!! Nainis siya pero binalewala na lang kasi konti lang naman ..

Second! Nasa loob na sila ng sinehan at kasalukuyang nanonood na! Sa right side niya si Austin habang may lalaki naman sa left side. Dun sa part na grabe ang tili niya! Bigla ba namang nabuhos yung laman nung coke in can sa manggas ng damit niya!! Nainis siya ng bongga dahil white yung suot niya at halatang halata yung natapon na coke! But then again .. pinabayaan niya lang yun!!

Third! Lumabas na sila ng sinehan dahil tapos na yung palabas .. nakaakbay sakanya si Austin para matakpan yung mantsa na nasa manggas niya .. naiinis ng bonggang bongga si Geniev kasi ang lagkit lagkit ng pakiramdam niya sa may balikat!! Papunta na sila sa restaurant na dapat ay kakainan nila ng may isang babaeng napatid sa harapan niya kaya dumiretso sa damit niya yung dala dala netong chocolate ICE CREAM!!!

Nagulat siya at nakaramdam ng lamig dahil bagong bago pa yung ice cream!!

"Ate sorry! Hindi ko sinasadya.." pagpapasensya nung babae na nakatapon habang hindi na magkandaugaga sa kakapunas sa blouse niya ..

Si Austin naman ay napapakamot na lang sa batok habang pinagmamasdan ang nililigawan at babae .. hindi niya alam kung anong gagawin niya dahil nakikita niyang parang anytime ay sasabog na si Geniev!

"Ate so---"

"ARGHHHHHHHHHH!!!!"

Nagulat si Austin at yung babae ng biglang nagpapapadyak sa inis si Geniev!! Naiinis na talaga siya ng bonggang bongga!! Romantic dapat ang date nilang to pero tingnan niyot nagkanda malas malas siya!!

"Hey relax Ange--" pagpapakalma ni Austin pero agad siyang pinutol ni Geniev ..

"Relax?! How can I relax?! This shitty day!! My outfits ruin!! The hell with Valentines day!!" Wala neto at nagsimulang maglakad palayo .. agad naman siyang hinabol ni Austin at hinawakan sa braso ..

"San ka pupunta?" Mahinang tanong neto .. todo yuko na rin ito dahil marami na rin ang nakatingin sakanila ..

Inalis ni Geniev ang sunglass niya at irritableng tiningnan si Austin ..

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now