Special Chapter #7

3.7K 56 10
                                    

After 10 years, you bias is now living happily with the person they love together with their own family. Ano ang gusto mong sabihin sakanya/ sakanila when that time comes?

  Again I need your answers readers. I'll post it here in this chapter. You can message me or just comment here or sa last chapter. Ilalagay ko kasi siya sa chap na ito. Hehe 😊 ~ JM


Leila Rhys

Napatingin ako sa bintana ng kotse when it stopped. Napangiti ako ng malapad ng makita ang mga taong malapit na malapit saakin sa di kalayuan. Mula sa kinauupuan ko ay kitang kita ko ang galak sa mga mukha nila. Nagtatawanan sila at parang miss na miss talaga nila ang isa't isa. Ako rin. Namiss ko rin sila.

"Tara na?" Napatingin ako kay Zyler ng hawakan niya ang kamay kong nasa hita ko. I smiled at him and nodded kaya bumaba na kami sa kotse.

Ang hindi gaanong malamig na hangin ang sumalubong saamin pagkababa namin ng kotse. Napapikit ako at dinama ang hangin. Finally, pagkatapos ng isang taon na stress sa trabaho, makakapagrelax na ulit ako. Aside from that, makakasama ko na ulit ang mga kaibigan ko. Exited talaga ako at matagal kong hinintay ang araw na ito. Actually every year naman namin ginagawa ang reunion na ito eh, pero talagang nakakaexite kapag dumating na.

Naramdaman ko ang pagbukas at pagsara ng asawa ko sa backseat kaya napatingin ako doon. Agad akong napangiti ng bumaba doon ang unica princess namin ni Zyler. Nakangiti siya at halata rin na exited siya.

"Mommy lets go? I can't wait to see Vida, Rapha and Sabrina. Oh! Together with ate Sef na rin." Saad niya ng mahawakan niya ang kamay ko. Natawa naman ako dahil sa tinuran niya at napatingin ulit sa pavilion kung saan palaging ginaganap ang reunion namin.

Ng maramdaman ko na ang hawak ni Zyler ay agad na kaming naglakad patungo doon. Hindi mawala ang ngiti sa labi ko habang tinatahak namin ang daan papunta sa pavillion. Ang ganda talaga dito eh. Ang sarap sa pakiramdam ng sariwang hangin. Marunong talagang mamili ang mga Camelo ng lugar.

"Lei!!!" Sigaw ni Geniev ng makita niya ako. Napangiti naman ako at kinawayan siya. Nagsilingunan naman silang lahat at nakangiting binati ako at ang pamilya ko. "Buti naman at pumunta ka! Akala ko hindi na kayo pupunta eh." Saad ni Lyka ng yakapin niya ako.

"Duh! Heto nga ang pinakahihintay kong araw ng taon eh." I said chuckling kaya natawa silang lahat.

"Ate Lei!" Mula kay Lyka ay napatingin ako sa tumawag saakin at ganun na lang ang galak ko ng makita si Yuri.

"Yuri! My god! Kailan ka pa nakauwi?!" Galak na galak na saad ko at niyakap siya ng mahigpit. Natawa naman siya as she hug me back. "Last month lang ate Lei. Naisipan namin ni Ford na dito na lang namin ipagpapatuloy ang buhay namin." Sagot niya.

Napangiti naman ako and tapped her shoulder, "Mabuti naman! Kompleto na tayo ngayon!" Saad ko. Natawa lang siya at napatango.

Pumasok na kami at umupo na sa kanya kanyang upuan na pinapalibutan ang isang mahabang table. May mga pagkain ng nakaserve sa lamesa made especially by Austin.

After 10 years, Austin finally reached his dream. He's now an owner of the 10 biggest restaurant here. May mga branch rin sa ibang bansa at balita ko ay maayos rin ang mga ito. May sarili rin siyang show, featuring himself ofcourse. About sa business naman ng dad niya, ang sabi niya, someday he'll take over pero for the mean time daw muna, hanggang kaya pa daw ng dad niya ay ito muna ang mamahala doon. Okay na sila ng dad niya, infact close na close nga si Geniev at ang dad ni Austin eh.

As for Geniev. She has her own clothing line and katulad kay Austin ay maganda rin ang takbo noon. Yun nga lang, hindi ito kagaya ng restaurant ni Austin na may ibat ibang branch world wide. Geniev has her shop at nagiisa lang yun. Dagsa nga ang customer niya paminsan eh pero ayaw niya talagang magpagawa ng isa pang branch. Mas gusto raw niya kasing siya ang nagmamanage, at ang hirap raw kung dala dalawa ang imamanage niyang shop. Kaya ayan.

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now