Chapter 53: Bidding Goodbye

2.8K 47 1
                                    

Taehyung's POV

Napakunot ang noo ko ng marinig kong sumigaw si LayLay sa may pintuan..

Sino naman kaya yung bisita niya at parang naexite siya?

Mula sa pagkakaupo ay tumayo ako para sundan si LayLay sa pintuan ..

I hope hindi lalaki ang kaharap niya -___- ..

"Surprise to see me baby girl?"

Baby girl?! Naku!! Lalaki nga!! Sino naman kaya tong mokong na to?! Haist! Natatakot tuloy akong iwan si LayLay!! ngayon pa nga lang na nandito ako .. may umaaligid ng lalaki sakanya .. paano pa kaya kung ..

Haist!

"Papa!!!! Oh my gosh!! Namiss kita!!"

Napahinto ako ng marinig ko ang sinabi ni LayLay ..

Papa? Ama niya ba ang kaharap niya ngayon?

I gulped ng maisip ko yun .. sa almost 4 months kasi na pagkakaibigan namin ni LayLay .. ni hindi ko pa nakita kahit isa sa family niya ..

Kinabahan tuloy ako ..

"Namiss rin kita baby girl .." narinig kong sabi nung .. papa ni LayLay?

Teka? Papa niya ba talaga to?! Grabe ah!! Parang model lang ang peg ng papa niya!! Dinaig pa si Pandak sa kamachuhan ng katawan eh!!

Napatingin siya saakin na siyang kinabigla ko .. nawala ang ngiti sa labi niya at nabigla ako ng bigla niyang binunot ang baril na nasa tagiliran niya ..

Waaaaaaaahhhhh!!!! Anong kasalanan ko?! T^T ..

"Sino ka?! Anong ginagawa mo dito sa apartment ng anak ko?! Rapist ka nho!!" Sigaw niya saakin na siyang dahilan para maitaas ko ang dalawang kamay ko ..

Huhuhu!! Wala po akong ginagawang masama T^T!! Wag niyo po akong barilin!!

"Papa! Papa! Papa! .. Easy ka lang!! Kaibigan ko siya .." pagpapakalma naman ni LayLay habang nakahawak sa braso ng ama niya ..

"Kaibigan mo yan?! Eh bakit lalaki?! Tsaka bakit parang bagong gising?! Wag mong sabihin na dito yan nakatira!!" Sigaw parin nung papa niya at mas itinutuk saakin yung baril niya ..

Mommy T^T!! Bakit ganto ang isip ng ama ni LayLay?!

"Hindi siya nakatira dito papa! Nagkataon lang na nakatulog siya kanina kaya parang bagong gising siya! Tsaka kaibigan ko po talaga siya! wala naman po sa batas na bawal maging magkaibigan ang babae at lalaki diba?" Sabi ni LayLay ..

Parang hindi pa naniniwala yung papa niya sa una .. pero unti unti ay binaba niya ang baril niya ..

Phew!! Akala ko mamamatay na ako T^T!! Katakot pala tong papa ni LayLay!! Paano na lang pala kung makilala ko yung apat niyang kuya?!

"wala nga pero ang pangit parin tignan!" Singhal ng ama niya .. hindi ko alam kung kanino siya nakatingin kasi nakashades siya .. nasa likod kasi ako ni LayLay ..

"Bakit naman po?! Wala naman kaming ginagawang masama! Tsaka si Kuya F nga .. ang daming kaibigan na babae eh!"

"Iba naman yun!"

"Pareho lang yun!"

Nagpapalipat lipat na lang ang mata ko sa magamang nagsisinghalan sa harapan ko ..

Okay! Magama ba talaga to?! Parang magbarkada lang sila kung magbulyawan eh! -___-

"Ahh basta!!" Nagulat ako ng biglang lumapit saakin yung papa niya .. as in malapit na malapit saakin .. tiningnan niya ako mula ulo hanggang paa na parang ineinspeksyon ako! Grabe naman!! T^T

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now