Chapter 78: Please No!!

2.3K 44 0
                                    

Blythe's POV

hawak hawak ni Kookie ang kamay ko ngayon habang papasok kami sa bahay nila. Sa bahay ng BDB.

Grabe!! Hindi ko nga maiwasan na kiligin dahil sa hawak niya eh!! Isipin niyo yun?! Bumaliktad na ang mundo namin?! Siya na ang nanliligaw saakin?! Saakin na isang nobody?!

Unbelievable Blythe!! Really!!

"Stay here.. may kukunin lang ako." Sabi ni Kookie na siyang tinanguan ko lang. He smiled a bit at naglakad na nga pataas sa wooden staircase.

Inilibot ko ang paningin sa bahay nila. Pagkatapos nung celebration namin dati, ngayon na lamang ako nakapunta dito sa bahay nila. Its just like the same. Napakagaan ng atmosphere, mas nakakagaan sa pakiramdaam ang strawberry lemon na scent. Ang wooden staircase na una mong mapapansin kapag pumasok ka ng bahay. Ang mga frame at trophies na nakaayos sa isang shelf.

Umupo ako sa chocolate brown na single sofa and started tapping my lap. Ginagawa ko yan kapag nagaantay eh.

Hmmm? Bakit kaya wala man lang sila katulong dito sa napakalaking bahay? Ang laki laki pero silang pito lang naman ang nandito!! Tapos palagi pa silang wala!!

Kung ako sakanila?! Kukuha ako ng sandamakmak na maids!! Ang gaan ng atmosphere pero nakakalungkot naman kung ganto katahimik dito.

*toktoktok*

Napatingin ako sa main door ng may biglang kumatok. Tumingin ako sa second floor hoping na pababa na si Kookie pero hindi pa naman.

Hmmm? Sino naman kaya to?

Tumayo ako at tinungo ang pintuan para buksan ito. Baka importanteng tao at may kailangan sa BDB.

I opened the door at ang panyo na biglang tumakip sa bibig ko ang bumungad saakin.

Nanlaki ang mata ko at hindi agad ako nakagalaw ng makita ko ang isang lalaking may nakakalokong ngiti na siyang tumatakip sa bibig ko!!

Shit!! Whats this?!

"Hi Blythe Hannibal." Sabi niya with a smirk on his face.

Abot langit ang kabang nararamdaman ko ngayon!! No!! Hindi pwede to!! Please!! Naghahallucinate lang ako!!

"Blythe?"

Nagpantig ang tenga ko ng marinig ko ang boses na yun.

Shit!! Si Peter!!

"Your Prince Charming is looking for you..." sabi ng lalaking may hawak saakin at tumawa ng malademonyo!

"Blythe!!!" Narinig kong sigaw ni Peter ng makita niya ata ako!

No Peter!! Wag kang lalapit!!

Tumawa na naman ng malademonyo ang lalaki na para bang hindi siya naalarma na makita siya ni Peter!!

Ano ang plano niya?!

Halos atakihin na ako sa kaba dahil sa sunod na nangyari!! Isang lalaking may hawak ng baril ang biglang sumulpot sa gilid ko at itinutok yun saakin!! Wag please!! Wag ngayon!! I want to live!! Please dont kill me!!

Unti unti akong iniharap nung lalaki sa loob ng bahay. Ipinulupot niya ang braso niya sa leeg ko na para bang sasakalin ako habang yung isa naman na may hawak ng baril ay tinutukan na si Peter.

Tears started to stream down my face ng makita ko si Peter. His face is full of anger at the same time worried. Nakita ko rin ang nakakuyom niyang kamao na nanginginig. Na para bang galit na galit siya!!

"Titigan mo na ng matagal ang Prince Charming mo.." sabi nung lalaking nasa likod ko. Ramdam ko ang nakakalokong ngiti niya!! His demonic smile na nakakapanindig balahibo! "Baka ito na ang huli na matitigan mo siya..." dugtong niya na mas mahina pa kanina kaya mas napahagulhol ako..

My DreamBoy BestfriendWhere stories live. Discover now