Chapter 87: Trust

2.7K 64 3
                                    

Leila's POV


Halos lumipad na kami dahil sa bilis ng takbo namin. Mula sa abandunadong building ay sumakay kami sa isang Van na hindi ko alam kung saan nanggaling! Pero malakas ang kutob ko na kasabay yun sa sinasabing plano ni Zyler. Nandito na kami ngayon sa Airport, hinihingal na ako pero hindi ko magawang tumigil at magpahinga man lang! I trust Zyler's plan pero shit! Hindi ko pa rin maiwasan na kabahan! Ewan! I feel that something bad is about to happen..



"Hindi pa naman sila nakakaalis diba?" I heard Geniev asked pero hindi ko siya tinapunan ng tingin. Makulit rin tong babaeng to eh! Sinabihan na namin na sumama na lang sa ambulansya na dumating kanina pero ayaw niya! Tsk! Matigas ang ulo! Si Ping, mabuti na lang at napapayag namin siyang sumama. Malala na eh. Namumutla na siya dahil sa dami ng dugo na nawala sakanya.




"Trust me okay?" Zyler said. Kanina niya pa yan sinasabi pero hindi ko magawang magtiwala sakanya ng buo, dahil hindi naman niya sinasabi saamin ang dapat ay pagkatiwalaan namin! In short, hindi niya saamin sinabi yung plano niya!



And now Im playing the 'what's Zylers plan' game! Hinuhulaan ko at hindi yun nakakatulong dahil mas kinakabahan lang ako!



Urrgghh!! Bakit ba kasi ayaw niyang sabihin saamin?! Its not like, tatraydurin namin siya diba?!!




"Wag kayong lalapit!!!"



Napatigil kami sa pagtakbo at napatingin sa glass window ng airport ng marinig namin ang malakas na sigaw na yun. Hinihingal na tiningnan ko yun, I saw Sanghyun. Wearing his business attire while holding a gun.



Anong nangyayari?



"I think he's more evil than I thought.." I looked at Zyler dahil sa sinabi niya.




"Huh?" I asked confuse so he looked at me.



"Hindi pa niya magawang sumuko.." Sagot niya kaya napatango tango ako.



Why just cant he face his sins?! Bakit kailangan humantong pa siya sa ganyan?!



"Put the gun down.." I heard one police said. Inilibot ko ang paningin sa labas. Nasa 30 o higit ang pulis na nakapalibot kay Sanghyun. May mga lalaki rin na nakahandusay sa sahig at duguan. Shit! Napatumba nila ang mga tauhan ni Sanghyun ng ganun ganun lang? How?!



"Its much safer if we stay here.." I heard Ryder said.



Nadako ang mga mata ko sa lalaki na nasa staircase ng eroplano. Pinaliit ko pa ng bahagya ang mata ko para maaninag siya. I gasp ng mapagtantong si TaeTae yun.



"We need to help them!" Geniev shriek habang malalalim ang hininga.



"How? May laban ba kayo sa baril niya?" Hindi naman nakapagsalita si Geniev dahil sa sinabi ni Leo.



Oo nga naman.. Delikado kung lalabas pa kami. Kahit na sinabing maraming pulis ang nasa paligid. Isang demonyo naman ang may hawak ng baril!




"Patakasin niyo ako at walang masasaktan!!" Sigaw ni Sanghyun at hinigpitan pa lalo ang baril.



Tahimik lang kaming nakatingin sakanila. Nakita ko ang anim na myembro ng BDB na nakatayo hindi kalayuan sa pwesto ni TaeTae. I bit my nails para kahit papaano ay mabawasan ang kaba ko! Diyosko! Kulang na lang atakihin ako sa puso dahil sa kabang nararamdaman ko ngayon!



Hanggat hindi nahuhuli si Sanghyun, hindi ako mapapalagay!




"Sumuko ka na kasi. Hay! Ang tigas naman kasi ng bungo mo eh."



My DreamBoy BestfriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon