Chapter Twenty- Seven

Start from the beginning
                                    

Marahan akong napaatras, nawalan ako ng balanse dahil sa tila ayaw gumana ng utak ko, nanghihina ang mga tuhod ko. Mabuti na lang at nasalo ako ni Ford.

"Cline..." Lumapit sa akin si Allain. Hinayaan ko lang siya na lumapit sa akin. Takot- iyan ang nakita ko sa mga mata niya. "It's not what you think it is." Tumango ako. Alam ko. Naglipat ako ng tingin kay Annika, ngumisi siya sa akin at tsaka tumayo para maglakad papalapit sa amin.

"See you tomorrow Allain. I've learned so much from you." Malapad siyang ngumiti kay Allain. Nakaramdam ako ng kaba. "I'll call you to have dinner with us one day. Just the four of us, sina mama, papa, ako at ikaw." She emphasized the last three words. Hindi ko sinasadyang tuluyang mapairap nang dahil sa inaasta niya ngayon.

"I don't leave without my wife." He encircled his arm on my waist. Tila naglaho nang parang bula ang inis ko kanina. You heard it right girl. Gusto kong ngumisi.

Matagal bago nakabawi si Annika, hindi alam ang dapat sabihin.

"Oh that. Akala ko fiancée pa lang." Ngumisi siya sa akin. "Bye." Taas-noo siyang sumakay ng elevator bago nagsuot ng shades niya.

"Tsk." Umiling si Ford tsaka dumiretso sa opisina niya. Hindi parin ako nakaka-recover sa mga sinabi ni Annika.

"I'm sorry about that. What brings you here?" Inayos niya ang buhok ko. "Are you tired?" Tumango ako. Pagod talaga kanina palang tapos si Annika pa ang bubungad sa akin kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko na huwag mainis. After all, I'm not an angel all the time.

"Dito muna ako. Na-miss kita eh." Ngumuso ako. Nakaka-miss yung mga araw na lagi akong nagpapapansin sa kanya at lagi siyang naiirita. Pero ngayon, ang sarap sa feeling na hindi ko na kailangang mag- effort para mapansin niya.

Yumakap ako sa kanya at pinakiramdaman ang tibok ng puso niya. "Ikaw lang ang tinitibok niyan...Cline...Cline...Cline..." Natawa ako nang bahagya.

"Saan mo natutunan yan?" Natatawa kong tanong sa kanya at tsaka ako nag-angat ng tingin sa kanya.

"My dad." Nagkamot siya ng ulo at tsaka sabay na natawa. "I take his corny sides." Umiling-iling pa siya. Don't know that Ninong Laxer had this side, with his serious face, I cannot even imagine.

Sinuklay ko ang buhok ko habang nakatingin sa salamin. Si Kaye ay nasa kabilang linya na paulit-ulit pinapaala ang schedule ko. Samantalang lumipad ang isip ko nang dahil sa aking manager na kanina pa rin ako kinukulit bago kami magpaalam sa isa't isa matapos ang rehearsal, na bago raw ako umalis sa industriyang ito ay magrenew ako ng panibago pang contract, kahit one-year contract lang.

"Cline nandiyan ka pa ba?"

"Okay na Kaye. Thanks." I ended the call.

Napabuntong hininga ako. "What's bothering you?" Naamoy ko agad ang after bath scent ni Allain na papalapit sa akin. Napaiwas ako ng tingin ng makitang topless siya bago isuot ang v-neck shirt niya. Tinutuyo niya pa ang buhok niya hanggang sa makalapit na siya sa akin ng tuluyan.

"Si Tita Alexis kasi, kinukulit akong mag- renew ng contract." Bumuntong hininga ulit ako. I'm out of focus again, lalo pa't mas malapit na siya sa akin ngayon.

"You don't really want to?" Natigilan ako, didn't know he'll ask that. I really just wanted to be with him, yet I love what I'm doing right now. I'm actually torn. "You love what you're doing right?" Tumango ako.

"I'm choosing you this time." Ani ko sa kanya. Tumabi siya sa akin at bahagyang umupo para magka- level kaming dalawa.

"You can still be with me while you're still at it. You know I understand. I will always understand. This is nothing compared to everything you've done for me. I can still wait." Umiling ako.  Buo na ang desisyon ko tsaka ako ngumiti sa kanya.

"Ayokong maging hadlang sa mga bagay na nagpapasaya sayo. Your happiness is my happiness. You can still think about it. I'm willing to support you all the way." He kissed my forehead. Napangiti ako.

There's no way Annika would get her way to his heart. I'm confident enough that's he's all mine.

Lumipas ang mga araw na mas pareho kaming naging busy ni Allain, mabuti na lang at naisingit ko si Tito Miguel sa schedule ko.

"Pwede ko po bang bisitahin si mama after ng concert? And ito po pala, kung makakanood po kayo." Inabot ko kay Tito ang limang VIP tickets.

"Sasamahan na rin kita." Ngumiti ako, mas okay kung ganoon nga.

"At gusto ko po sanang hindi na 'to makakarating sa half brother ko. Pero gusto ko rin po siyang makilala. May contact---"

"Cline get ready. We'll air in 10 minutes." Biglang dumating ang isa sa mga staff kaya napahinto ako sa pagtatanong.

"Naku Tito! Pasensiya na po. Sobrang saglit lang po nito. After na lang po ng concert." Nahihiya kong sabi sa kanya. "Si Kaye na po ang bahala sa inyo. Sorry po talaga and thank you po."

Nagpaalam na ako kay Tito at tsaka dumiretso sa studio. Ni-retouch ako sandali bago umere ang live broadcast ng interview.

Halos araw-araw ganoon din ang nangyari. Paulit-ulit. Medyo nakukulangan na rin kami ng time ni Allain sa isa't-isa pero pinipilit ko pa ring bumisita sa kanya at minsan ay siya naghahatid-sundo sa akin.

Bago ako tumungo sa kumpanya ay naka- receive ako ng message kay Mommy na magkikita kami sa isang malapit na restaurant mula rito sa studio.

I texted her that I'm on my way already. Kabado akong pumasok ng restaurant diretso sa VIP room. There. Hindi si mommy ang naghihintay sa akin.

Si Annika.

Ngumisi lamang siya sa akin. Ni hindi rin ako ngumiti sa kanya. Ramdam na ramdam ko ang inis niya sa akin ngayon.

"I'll get straight to the point." Hindi pa ako nakakaupo nang magsalita siya. "I want Allain. I like Allain. For myself. Just for myself." She looked straight into my eyes.

"Hindi siya bagay na basta ko na lang ipamimigay nang dahil lang sa gusto mo siya para sa sarili mo." Bahagya siyang tumawa. Halatang nang-aasar pa.

"You're his fiancée right? Arranged marriage? Kasi pinagbigyan nila mama ang gusto mo noong 18th birthday mo?" Nagtiim-bagang ako.  "I'm the real daughter here. Eh sa gusto ko ring humiling sa 20th birthday ko...oops." Maarte niyang tinakpan ang bibig niya. "My bad... Magka- birthday nga pala tayo. Anong hihilingin mong regalo sa mga magulang ko?" Tinaas niya ang kanang kilay niya.

"I'm already happy with the things I have right now." Taas-noong sagot ko sa kanya.

"Magiging masaya ka pa kaya kung kunin ko sayo ang pinaka-nagpapasaya sayo." Nanginig ang kaloob-looban ko dahil sa sobrang inis ko sa kanya. "Also, anong feeling maghabol? Masaktan ng paulit-ulit? Umiyak ng maraming beses? So proud of you sa wakas ay napagtuunan ka na rin ng pansin."

Hindi ako nakapagsalita. Paanong... "And oh...kaya ka siguro nag-artista para mapansin ka? You crave so much for attention. Masaya bang magpanggap na kayo ni Ivan. Anong feeling na pati fans mo niloloko mo na rin?" Natigilan ako. Can't even find the right words to say.

At some point, tama ang sinasabi niya. But it wasn't my intention in the first place, hindi ko intensiyon na magpanggap kami ni Ivan. Nanggigilid ang luha ko.  But no, I won't let her see me cry.

"What do you want?" Kaunti na lang talaga at mauubusan an ako ng pasensiya sa kanya. Nagpakatatag ako. You can do this Cline!

"I want Allain. Watch me have him." Ngumisi siya sa akin tsaka tumayo. Dahil sa inis ko ay hindi ko na napigilan pa ang sarili ko. I grabbed the glass containing water. Ibinuhos ko ito sa kanya nang walang pag-aalinlangan.

Sa gulat niya ay hindi siya nakapag- react agad. "You can't have him. Watch me marry him." And I walked out of that place.

Dumiretso ako sa wash room na naghahabol ng hininga.  Paulit-ulit akong naghilamos. There's no way she'll have Allain. Just by thinking about it, my heart's already breaking.

I called Gale immediately.

Endless Tears in Every Heartache [Completed:2016 ]Where stories live. Discover now