"Nakita ko si Shiara na muntik nang lunurin ang kapatid mo. Buti na lang at napadaan ako sa may dalampasigan ng mga oras na 'yon. Tapos nakita ko rin siya sa kwarto ni Gerard. Sa tingin ko nakita mo rin ang nakita ko kasi nawalan ka ng malay pagkakita mo sa labi ni Gerard. Simula noon, naghinala na talaga ako. Hindi lang siya basta multo na pagala-gala. May kakaiba na sa kanya. That's when I decided to investigate. Doon ko nalaman na may kuneksyon ka kay Max at ikaw ang nakakita sa bangkay ni Althea."


"Noong napadaan ako sa kwarto niyo ni Shin, hindi sinasadyang narinig ko ang pag-uusap niyo. I didn't mean to eavesdrop but I was curious when I heard about your topic. Hindi naman kasi soundproof yung mga kwarto natin sa resort. Dahil sa pag-uusap niyo, nalaman ko na si Shiara yung babaeng multo. Hindi masyadong clear ang pagkakarinig ko pero base sa naging reaksyon mo kanina nang banggitin ko si Shiara, I was right." paliwanag ni Darren.


"Sandali lang, pakiramdam ko hindi kinakaya ng utak ko lahat ng sinabi mo." saad ko.


Nanaig ang katahimikan sa amin ng ilang sandali. Hinayaan ko lamang ito para makapag-isip ako ng maayos. Ina-absorb pa ng utak ko ang lahat ng sinabi ni Darren. Humiga si Darren sa damuhan at ako naman ay sumandal ulit sa may puno.


Maya-maya pa ay nagsalita na ako. "Thank you."


Tumingin sa akin si Darren. "Para saan?"


"Hindi ko alam. Pero gusto kong magpasalamat. Alam mo ba yung pakiramdam na feeling mo hindi ka na nag-iisa kasi hindi lang pala ikaw yung nakakaranas ng mga nararanasan mo ngayon? Masaya ako kasi hindi na lang ako at ang kapatid ko ang may alam ng tungkol kay Shiara. Sobrang hindi kasi kapani-paniwala ang mga nangyayari na minsan parang iniisip ko na lang na baka nababaliw na ako. Na baka panaginip lang lahat. Pero bigla kang dumating. Akalain mong hindi pa pala ako nasisiraan ng ulo?" sabi ko sabay tawa nanang bahagya.


Hindi umimik si Darren pero nakita ko ang maliit na ngiting sumilay sa kanyang mga labi. Niyakap ko ang mga tuhod ko at tumingin sa langit.


Bigla akong may naalala kaya bumaling ulit ako kay Darren. "Oo nga pala, paano yung project natin? Yung biography?" tanong ko.


Umupo si Darren at tumingin sa akin. "Ah, that. Let's work on it this coming weekend. I'll just text you when and where." saad niya tapos tumayo na siya at naglakad na palayo.


"Teka!" pigil ko sa kanya. Tumigil siya sa paglalakad pero hindi siya lumingon. "Paano mo pala ako mai-tetext eh hindi mo naman alam ang number ko?" tanong ko.


"I have my ways." sagot niya at tuluyan nang umalis.


Napailing na lang ako habang nakangiti. Bumalik na naman siya sa dati niyang ugali. Samantalang kanina ang dami-dami niyang sinabi. Ang hahaba pa! Tapos ilang beses rin siyang ngumiti. May bonus pang pagtawa!


I stood up and did a happy dance.


Hindi lang gumaan ang pakiramdam ko dahil sa tingin ko ay nakahanap ako ng bagong kakampi.


Nagkatime pa ako kasama si crush.

Pakopya (Published Under Viva Psicom)Where stories live. Discover now