CHAPTER 22 - FINALE

10.2K 205 30
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 22 - FINALE





AUTHOR'S POV


**Flashback**

"Iiwan mo ko tapos ngayon babalik ka?"
"Para ano pa??"
"Para sabihin mo sa akin na sorry kasi iniwan mo ko?"
"Sorry kasi hindi mo matutupad yung pangako mo kasi may mahal ka nang iba?!"
"Kasi kasal ka na?!"

"Well alam ko na ang lahat Tommy."

"It's not that, Cassie."

Nagsisisi si Tommy at alam niya na kaya nagkakaganito si Cassie ay dahil sakanya, dahil nasaktan ito nang iwanan niya ito.

"The truth is.."

Muling naputol ang sinasabi ni Tommy dahil ayaw makinig sakanya ni Cassie.

"You don't have to explain Prince Jinn."
"Isa pa, I'm getting married with Xander. The one that I really love."

Tila tinusok ng maraming karayom ang puso ni Tommy at nasaktan siya sa mga salitang binitiwan ni Cassie. Sa isip niya ay ikakasal na pala ito at balewala na kung sasabihin niya na hindi natuloy ang kasal. Na nagbalik siya dahil nagsisisi siya at narealize niya na si Cassie talaga ang mahal niya.
Ngunit nahuli na pala siya.

Bumalik si Tommy sa isang resort kung saan sila tumuloy nila Zoren at iba pa niyang bodyguard.

"Are you okay Prince Jinn?"
Tanong ni Zoren.

"No I'm not, Cassie is getting married."
Malungkot na sagot ni Tommy at tila nawawalan na ng pag-asa.

"But she's not yet married. You can still do something my prince."
Tinapik ni Zoren ang balikat ni Tommy.

"But she's mad at me."

"She's mad at you maybe because she's still in pain because you left her."

Natahimik si Tommy at napag-isip.

"Manang Tess."

Biglang pumasok sa isipan ni Tommy si Manang Tess kaya naman muli siyang sumakay sa kotse at nagmaneho papuntang hacienda.

Pagkalipas ng halos isang oras ay nakarating na si Tommy sa hacienda.

"Si.. Sir Tommy?"
Tila nakakita ng multo si manang Tess.

"Yes manang, ako nga po."
Sagot ni Tommy at yumakap kay manang Tess.

"Sayang hindi pa kayo nag-abot ni señorita. Umalis na siya kanina at bumalik sa Maynila."

"Nag-usap na po kami kanina manang Tess."

"Saan?"

"I went to the tower where she is working."
Biglang nalungkot si Tommy.

Ikunwento niya kay manang ang lahat ng nangyari pati na ang naging pag-uusap nila ni Cassie.

"Nasabi niya yun?"

"Yes manang Tess."

"Kaya pala mukang malungkot siya kanina at nagmamadaling umalis dito sa hacienda ay dahil nagkita na kayo."
"Pero hindi sir Tommy, hindi ako naniniwala na mahal niya si sir Xander dahil hindi ko na nakikita ang saya sa mga mata ni señorita, hindi kagaya nung maging kayo."

"But she told me that they're getting married."

"Baka nasabi niya lang yun dahil nasasaktan pa rin siya sir Tommy, dahil mahal ka pa rin niya."

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now