CHAPTER 1

17.8K 241 8
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 1







CASSIE'S POV


Hi.

My name is Cassie Andrea Smith, 26 years old, the only daughter of Cassandra Williams Smith and Andrew Smith.

"Damn. Mauunahan pa yata ako ng isang 'to."

Kailangan kong bilisan at mas galingan, dapat ako ang maging first place sa race na ito.

Bumyahe pa sila mommy, daddy, kuya Andrei, ate Sam at Cyrille mula Manila papunta dito sa Clark, Pampanga upang mapanuod ang race ko.

10th anniversary ng Amazing Wheels Philippines kaya may ganitong competition. Bukod sa superbike race ay mayroon din event na car race na gaganapin bukas.

Ito ang pangatlong beses na sumali ako sa super bike race. Noong una ay fourth place ako, kaso top three lang ang may award kaya sumali ulit ako kung saan nakamit ko ang second place. Kaya naman this time ay pursigido akong makuha yung first place dahil wala pang babaeng nanalo ng first place sa buong competition.

Halong kaba at excitement ang nararamdaman ko ngayon. Kaunti na lang at mauunahan ko na itong nasa harapan ko kaya naman mas ginanahan ako at pinabilis ko pa ang takbo ni Phoenix, ang pulang Ducati superbike 848 na iniregalo sa akin nina mommy at daddy.

Naunahan ko na ang kalaban ko na may number 07 sa suot niya. Huling track na lang nang marinig ko na ang papalakas na sigawan ng mga tao.

Umabot na ako sa bilis na 300 km/hr.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko at tila naging slow motion ang lahat.

Ito na... Malapit na malapit na ako sa finish line.

"Woahh! And that was a really close fight!"

Narinig kong sabi ng hosts at biglang nagtayuan ang mga tao habang winawagayway ang mga flaglets na hawak nila na iba't iba ang kulay.

Paghinto ko ay pinarada ko si Phoenix, inalis ko ang helmet ko at nakita kong papalapit sa akin sila daddy. Kumaway sila sa akin at kitang-kita sa mga muka nila ang saya.

"Congrats Cassie!!"

"Ang galing mo anak."

"Congrats tita Cassie." Bati ng cute kong pamangkin na si Cyrille at yumakap sa akin.

"Thank you. Thank you so much. Para sa inyo ang pagkapanalo ko."

Nagtabi-tabi kami at kinuhanan kami ni kuya Andrei ng litrato.

Ilang sandali pa ay lumapit sa akin yung nakalaban ko na naunahan ko kanina.

Inalis niya ang helmet niya at hinawi ang long hair niya. I must admit that he's a handsome guy.

"Congratulations. Ang galing mo."
Inextend niya ang kamay niya at nakipagshake hands sa akin.

Nginitian ko siya at binati ko rin siya,
"Congrats din sa'yo. Ang galing mo din, akala ko nga hindi kita mauunahan."

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now