CHAPTER 6

6K 149 1
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 6







CASSIE'S POV

Sa dinamirami ng lalake sa mundo, bakit si Xander pa ang napiling mahalin ng puso ko?

Pumasok ako sa banyo at binuksan ko ang shower hanggang sa tuluyang mabasa ang damit at katawan ko. Sabay sa pagbuhos ng tubig mula dito ay ang pagbuhos rin ng luha ko. Ang sakit, sobrang sakit at tila dinudurog ang puso ko.

Napaupo ako sa sahig at napahawak sa dibdib ko.

"Bakit Xander? Bakit nyo nagawa sa akin 'to ni Cindy???"

"Bakit???"

Lalong bumuhos ang luha ko at nanlulumo ako ngayon.

"Cassie.. Anak.."

Lumapit si mommy sa akin at napayakap ako sakanya, parehas na kaming nababasa ng shower ngayon.

"What happened anak?"
Tanong niya at pinatay ang shower.

Patuloy ako sa pagluha at sa paghikbi at hindi ko alam kung paano ko sasabihin sakanya ang nakita ko.

"Hush now, mommy is here."
Hinimas niya ang buhok at ang likod ko. Kahit papaano ay gumaan na ang pakiramdam ko dahil kay mommy.

Sumandal kami sa wall at nakadantay ang ulo ko sa balikat ni mommy.

"Pwede ko bang malaman ang pinagdadaanan ng anak ko?"
Malambing na tono ni mommy habang patuloy sa paghimas sa buhok ko.

"Sa kilos mo pa lang kanina nang salubungin kita, alam kong may nangyaring hindi maganda."

Kinuwento ko kay mommy ang mga nangyari kanina sa party.

"I was about to surprise him but I was the one who got surprised."

"Pagbukas ko ng pinto ay nagulat ako sa mga nasaksihan ko mommy."

Muling bumuhos ang luha ko at nahihirapan akong magsalita.

"I caught him having sex with Cindy."
Napalunok ako at patuloy pa rin sa pagiyak.

"Cindy? Yung bff nyo ni Natalie?"
Tanong ni mommy.

Napatango na lang ako dahil humihikbi na naman ako at hindi makapagsalita.
Si Cindy na bff namin ni Natalie, pero hindi na ngayon.

"Ssshh. Tahan na, don't waste your tears sa walang kwentang lalake at sa traydor na kaibigan."
Tama si mommy.

Tumayo si mommy at pinuno niya ng tubig ang bathtub ko at nilagyan ito ng liquid soap at scented oil.

"Halika anak, magbubble bath na lang tayo."

Napangiti ako ng mapakla at inalalayan niya ako sa pagtayo.
Inalis namin ni mommy ang suot naming damit at lumusong kami sa bathtub.

Gamit ang intercom ay nagpadala si mommy ng champagne at potato chips sa maid namin at makalipas ang sampung minuto ay nandito na ang maid.

Sinalinan ni mommy ng champagne ang baso at iniabot sa akin.

"Thanks mommy."

"You're welcome anak."

Muling napadantay ang ulo ko sa balikat ni mommy.

"Thank you mommy for always being there for me."

"You're welcome anak. Syempre gusto ko kasi na hindi lang ako mommy sa inyo ni Andrei kundi isang bestfriend din na masasabihan nyo ng problema."
"Ayoko kasi na magaya kayo sa akin before na walang masabihan ng problema o mahingian ng payo kasi palaging busy sina daddy at mommy noon."

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now