CHAPTER 15

5.5K 139 4
                                    



I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 15




CASSIE'S POV

"Good morning mahal ko."
May dalang pagkain si Tommy.

"Good morning din mahal ko."
Hinalikan ko si Tommy sa pisnge at nginitian ito.

Paglapag niya ng tray sa lamesa ay niyakap niya ako. Matapos yakapin ay idinantay niya ang noo niya sa noo ko.

"I love you mahal ko."
Tinitigan ako ni Tommy sa mga mata ko na tila nang-aakit.

Ramdam ko ang init ng katawan niya at naaamoy ko ang mabango niyang hininga.

"I know nabitin ka sa kiss natin kagabi."
Natatawa kong sabi at nginitian niya naman ako. Alam ko na ang ibigsabihin ng mga tingin ni Tommy.

Ilang sandali pa ay naglapat ang mga labi namin at naghalikan kami ni Tommy.

Napahawak ako sa nape niya at lalo pang dumiin ang paghahalikan naming dalawa dahilan upang bumilis ang pagtibok ng puso ko.

I love Tommy so much and I sometimes feel the urge of giving myself to him, but no, this isn't the right time.

Kumalas na kami mula sa paghahalikan namin at niyakap ko si Tommy ng mahigpit.

Ibang-iba ang nadarama ko para kay Tommy. Yun tipong walang guilt feeling sa tuwing maghahalikan kami, at yung tipong parang kaya ko siyang ipaglaban kahit kanino at sa buong mundo.

Si Tommy na yung gusto kong makasama habambuhay, yung lalo kong mamahalin at lagi kong makakasama hanggang sa pagtanda namin.

Huwag kang mag-alala Tommy, darating din yung time na maipapakilala kita kila mommy. Deserve mo yon at hindi na kita itatago o ikahihiya kanino man.

Matapos naming kumain ng agahan sa veranda ay pumunta na kami ni Tommy sa kwadra.

"Good morning Misty."
Bati ko at hinimas ko ang ulo ni Misty.

"Mamamasyal tayo nila Tommy, behave ka lang ah."

Tumango si Misty na tila naiintindihan ang mga sinasabi ko.

Sumakay na ako kay Misty at sumakay na rin si Tommy.

Muli na namang bumilis ang tibok ng puso ko dahil sa posisyon namin ni Tommy ngayon.

Tila nakayakap siya sa akin at tumatama ang bawat paghinga niya sa balat ko dahilan upang makaramdam ako ng kilig at taasan ako ng balahibo.

Paglabas namin sa kwadra ay sinabihan ko si Tommy na kumapit ng maigi dahil papatakbuhin ko si Misty ng mabilis.

Kumapit nga si Tommy at lalong nagdikit ang katawan naming dalawa.

Habang tumatakbo si Misty ay nakaramdam ako ng unusual na pakiramdam dahilan upang mapahinga ako ng malalim at binaling ko na lang sa tanawin ang atensyon ko.

"Wow ang ganda."
Saad ni Tommy habang dumadaan kami sa kakahuyan. Ang ganda kasing tignan ng mga puno na maraming prutas pati na ang iba't ibang halaman.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now