CHAPTER 2

7.7K 146 4
                                    


I FELL IN LOVE WITH A STRANGER
CHAPTER 2







XANDER'S POV

Ang sabi ni Cassie ay may business meeting siya kaya nagulat ako nang magkabanggaan kami sa mall at kasama niya ang best friend niya.

Pagdating ko sa bahay ay dumiretso ako sa kwarto at napailing na lang ako. Ito kasi ang unang beses na matanggihan ako ng isang babae. Sa tuwing may natitipuhan akong babae ay isang pa-cute ko lang at sendan ko lang ng sweet messages ay mahuhulog na agad sila sa akin.

Kakaiba talaga si Cassie, lalo tuloy akong natuturn on sakanya.

Ano kaya kung hindi ko muna siya itext? Baka sakaling ma-miss niya ako.

Napaisip tuloy ako na baka hindi niya ako type kaya hindi niya ako ineentertain. Tumingin ako sa salamin,
Gwapo naman ako ah? Cute pa! Kaya imposibleng hindi niya ako matipuhan.
Baka naman ayaw niya sa long hair ko?

Sinuklay ko ang buhok ko at pinag-iisipan ko kung papabawasan ko na ba ito o mas papahabain pa.

Sige, papabawasan ko ang buhok ko bukas para malaman ko kung ito bang long hair ko ang ayaw ni Cassie o sadyang hindi niya lang ako type.

Kinabukasan ay naisipan kong dumaan muna sa salon bago ako pumasok sa trabaho.

"Good morning sir Xander."

Bati sa akin ng hairstylist ko na si Ben.

"Good morning din Ben."

Pinaupo niya ako.
"Anong gagawin natin sa buhok mo sir?"

"Pakibawasan ng six inches, kagaya nito."
Pinakita ko sakanya yung dating kong picture sa cellphone ko.

"Okay sir."

Nagsimula na si Ben sa paggupit sa akin at makalipas ang kalahating oras ay natapos na siya.

"Lalo kang gumwapo sir."
Papuri ni Ben.

"Salamat Ben."
Inabutan ko siya ng tip at nagbayad na ako sa cashier para sa haircut ko at lumabas na ako ng salon.

Gumaan ang pakiramdam dahil nabawasan ang buhok ko.

Sumakay ako sa kotse ko at nagsuot ako ng shades at nagdrive na ako papuntang opisina.

"Good morning sir Xander."
Bati ng guard sa akin.

"Good morning."

"Good morning sir."
Bati naman ng mga empleyado.

"Ang gwapo talaga ni sir Xander."
Narinig kong nagbubulungan sila.

"Lalo siyang gumwapo sa gupit niya."

Patuloy ang bulungan nila na akala naman nila ay hindi ko naririnig.
Pagdating ko sa opisina ay humarap ako sa salamin.

Mas bumagay nga sa akin ang gupit ko ngayon. Siguro naman ay maiinlove na sa akin si Cassie nito.

"Good morning sir Xander."

"Good morning ms. Cath."
Bati ko sa secretary ko.

"Favor naman, pwede mo bang tawagan yung R.L. 24?"

"Yes sir, magpapareserve po ba kayo ng table? For how many?"
Tanong ni ms. Cath.

"For two. Bukas pa naman at 7pm. Gusto ko yung sa vip area ha."

"Okay sir."

"Thank you."

Gusto kong i-surprise si Cassie. Kung ayaw niyang pumayag na makipagkita sa akin ay hihingi ako ng tulong kay Dominic para mapapunta ko siya sa restaurant na yun.

I Fell In Love With A Stranger - COMPLETED Where stories live. Discover now